[Filipino3 requirement,yet again. Scenario: binigyan kami ni Sir Santi ng set of pictures.The pictures actually constitute a story.Pero he gave us the liberty of arranging the pictures in such a way that it will show a good story.Turns out that the pictures are scenes from "Paglilitis ni Mang Serapio".Syempre di ko pa alam yun nung ginawa namin ang requirement na ito.Pero ngayon alam ko na,na-amaze ako.Nagawan ko na pala ng,somehow,ibang version ang Mang Serapio.Hehe.]
VENTURA, Razel B.
Hulyo 26, 2005
III-Potassium
Ang kahirapan ay ang punong dahilan na nag-uudyok sa mga tao na gumawa ng mga bagay na hindi maganda upang mabuhay lamang. Isa na dito ay ang mga mapansamantala at walang pusong sindikato, tulad ng Mapia. Ang Mapia ay ang sindikato na nananamantala sa kamangmangan at kahinaan ng mga mahihirap. Pinagpapalimos nila o di kaya’y pinagnanakaw ang mga kasapi nito.
Si Timothy ay isa sa mga daan-daang biktima ng Mapia. Sa umaga ay nagtatrabaho siya para sa Mapia, ngunit sa pagsapit ng gabi ay sa munting barung-barong ang hantungan, kasama ang kaibigan niyang manika na si Maisie. Si Maisie lamang ang takbuhan ni Timothy at hingahan ng mga hinanakit. Si Maisie lamang ang saksi sa mga paghihirap ni Timothy at mga sakit na nadarama.
Isang gabi, kausap ni Timothy ang manika niyang si Maisie. "Maisie, kilala mo naman si Rafael diba? Siya yung pinuno ng Mapia. Alam mo bang napakalupit niya! Lagi niya na lang kaming pinapahirapan. Kanina ba nama’y may ipinabugbog siya sa kanyang mga tauhan dahil kulang lamang ng limang piso ang ambag niya." Lingid sa kaalaman ni Timothy, may dalawang tauhan si Rafael na lihim na nakikinig sa labas ng kanyang barung-barong. At ang mga sumunod na nangyari ay mabilis na naganap at hindi halos namalayan ni Timothy. Sa isang iglap, natagpuan niya na lamang ang kanyang sarili na nakagapos at kinakaladkad ng mga tauhan ni Rafael patungo sa kanilang amo.
Pagdating sa lungga ng Mapia, ibinigay ng mga tauhan si Timothy kay Rafael, kasama ang isang munting kahon. "Ano ang ibig sabihin nito?", wika ng galit na Rafael. "Nahuli po namin ang mangmang na ito na nagrereklamo sa kanyang manika ng mga kasamaan mo daw. Kung kaya’t siya’y aming dinakip.", paliwanag ng tauhan. "At ang manika?", tanong pang muli ni Rafael. "Siya po naming inilagay sa kahon", sagot ng tauhan. Hinarap ni Rafael si Timothy, at saka nagtanong:
"Totoo ba ang sinabi ng mga tauhan ko?"
"Hindi po", takot na sagot ni Timothy.
"Umamin ka na, totoo ba?"
"Hindi po talaga!"
"Siguro nama’y alam mo na mahigpit na ipinagbabawal sa Mapia ang pagrereklamo."
"Opo."
"Ngayon, nilabag mo ba ang batas na ito?"
"Hindi po."
"Hindi ka aamin? Pwes, mga tauhan alam niyo na ang gagawin ninyo sa napakagandang manika ng mangmang na ito!"
Ibinigay ni Rafael si Maisie sa mga tauhan niya. Pinagpasa-pasahan nila si Maisie, habang pilit na nagmamakaawa si Timothy. "Tama na, tama na! Wala siyang kasalanan! Ako ang lumabag sa batas! Ako po ang nagreklamo! Walang kinalaman si Maisie. Utang na loob." "Mangmang ka nga, ipagpapalit mo ang sarili mo sa isang manika", kutya pa ni Rafael. "at dahil sa kamangmangan mong iyan at paglabag na rin sa batas ng Mapia, alam mo ba ang magiging kapalit? Ang mga mata mo! Upang hindi mo na uli makita ang minamahal mong Maisie! Hahahahaha!".
At tinanggal nga ang mga mata ni Timothy.
No comments:
Post a Comment