Tuesday, 5 December 2006

Intel Science and Engineering Fair-Regionals

Start:     Dec 6, '06 12:00p
End:     Dec 7, '06
Location:     University of the East-Caloocan
intel in short.ang pinagkakaabalahan ng ilang 07 ngaun.

Monday, 4 December 2006

Karangalan.Dignidad.Drama ng Intel.

alam ko hindi ko toh dapat ginagawa ngayon.


i'm violating rules again.


i know.


but i need it to remind myself i'm still human.


brief intro ng mga pangyayari:
           qualified kami to compete for intel science and engineering fair-regionals. hindi ko masabi kung natutuwa ako o ano. gaganapin ito ng dec6-8--perio at final days before christmas vacation. excused kami na ipagpaliban muna ang pagkuha ng perio. sa dec11 onwards na lang daw. habang nagbabakasyon ang iba, nagpeperio kami. magaling.


Ayan, ngayong alam nyo na ang brief background, let's go into details.


ngayong gabi, marami kaming ginagawa. hindi man kami nagrereview para sa perio, wala pa rin dapat ika-inggit. dahil mas gugustuhin ko mag-review kesa mag-edit ng mga dokumentong nabasa ko na ng MARAMING beses. i have to go into details dahil perfectionist ako. OC kumbaga. Hindi lang yan, kailangan din aralin muli ang sandamakmak na related literature para hindi mapahiya sa judges na magsisilbing mga berdugong kakatay sa min sa mga nakatakdang araw.


mas gugustuhin ko pa mag-aral kasi pwede naman akong hindi mag-aral [hindi malabo ang sentence na ito, iniisip mo lang yun]. kung bumagsak ako sa perio, kahihiyan ko. e kung matalo kami sa intel?


karangalan ng PISAY ang nakataya. pati ang dignidad kong unti-unti nang nauubos ng journ.


magrereklamo pa ako. pabayaan ninyo ako. ngayon ko lang nalaman na 5mins lang ang oral presentation. for everyone's information, we consume at least 13mins for our STR oral presentations, which will be the same thing we'll present. at eto ang pinakamasakit sa lahat! ako mag-isa ang magooral report!!!!! kung aabot man kami dun. tinamaan ng magaling. wala man lang sasalo sa mga kabobohan ko. and it's all because i'm the team leader. what a curse.


natatakot ako.


oo, natatakot ako. kaya wala akong magawa kundi magreklamo. dahil hindi ko matanggap sa sarili ko ang mga nabanggit sa taas. at mas lalong hindi ko matanggap na wala na kong magagawa. oo, wala na kong magagawa kahit sabihin ninyong di pa nagsisimula ang intel at pwde pa kami mag-back out. e hindi na nga ako nakaaral para sa perio bukas e!!!!!. *buntong-hininga*. parang ayokong maniwala na umabot sa GANITO ang aming mumunting mga nudibranchs. grabe.


pressured.


PS. Salamat, ate val gatdula. hindi mo lang alam kung gano kalaking tulong ka sa 'min! abangan mo ang pangalan mo sa acknowledgments namin. salamat at nandyan ka sa panahong kailangang-kailangan namin ng taong may experience sa intel. dahil WALA ANG TAONG PINAKAKAILANGAN NAMIN NGAYON. bakit? dahil may topak ATA--either ang internet connection niya, cellphone, landline, o kaya e siya. ewan ko lang.


TRIVIA: si dr. cruz pa mismo ang nagpa-excuse sa 'min. sosyal.


TRIVIA 2: pumasa ako sa mapua.sa course na pinili ko: Chem/Chem Eng/Biotech.

Monday, 20 November 2006

Not the usual me.Very Cheesy.

BABALA! Kung hindi mo alam ang ibig sabihin ng slang na "cheesy", hindi tayo magkakaintindihan. kaya ipagtanong mo muna. wag sa kin, dahil hindi ko rin masabi yung exact definition. [Hint: hindi yun bastos tulad ng horny. at wag ka ring pilosopo, dahil hindi rin nun ibig sabihin ang maraming pasteurized cheese]


isa na yata ito sa mga pinaka-cheesy na blog entry na makikita nio sa site na ito.


ewan ko ba.wala kasi ako makausap, tapos ambigat ng kalooban ko.


sabi ko sa sarili ko, ang blog ko today ay tungkol sa pagcocommute at gobyerno.kaso, sabi ng konsensya ko, gumawa ako ng requirements. na maigi ko naman sinundan, when i suddenly came across something. [bakit ba kasi ang usisera ko.] Kaya ngayon, kesa gumagawa ako ng requirements, nagbblog ako.siya kasi.


mahirap ipaliwanag.


sabi ko sa sarili ko, wala na.WALA NA.pero bakit parang nasasaktan ako.[takte.cheesy. pasensya na, i may be a kikay type, but i'm really not into public discussion of lovers' love. para sa kin, 'pag sa 'kin nanggaling, cheesy un. ang kilig moments ay ibinabahagi ko lang sa mga taong malapit sa kin.]


Alam nio bang masaya ang walang attachments at walang prospect? oo. makes your life more enjoyable. kaso, biglang naglaro ang tadhana. [cheesy line]. disclaimer: hindi ako in love. yun na yun e, hindi pa nga totoo nagkakaganito na ko. grrrrr.


E bakit nga ba ako nagkakaganito? Kasi makasarili ako, kahit na alam ko namang kahit kailan, he'll never look my way. [CHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEsy to the highest level]


Pinahihirapan mo ko, alam mo ba.Siyempre hindi mo alam dahil manhid ka. O, hindi ba? Baka naman tanga lang ako. [mas probable ata ito kahit wala naman koneksyon ang katangahan ko sa numbness mo.]


speaking of numb, intermission lang sandali. STR reporting kanina, sabi ni Sir Taf kay Cindy, "Kanina pa kaya ako andito, numb ka ba?"
Cindy [defensive]: "Sino numb? Ako?!"
Cindy [pabulong sa kin]: "Numb? Di ba tanga yun?"
Ako [thinks]: "Bwahahahahahahahahahahaha! HahaHahaHahaHahaHahaHahaHahaHaha!"
I love you, Cindy. Ang husay mo sa reporting kanina, pati ikaw Mariel. Ang sarap sabihing ako rin. [Hindi ako fishing]


Ok, back to the cheesy topic. Dapat ko bang hilingin na sana makalimutan na lang kita? Buti nga kung ganun lang yun kadali. Kaso hindi. HINDI! Bakit? Hindi ko rin alam, maybe because I've become so fond of you that it won't be complete without you. [c-h-e-e-s-y!] Take note, i said "it" not "I". OA naman kung sabihin kong hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Excuse me, hindi ka oxygen. [corny.]


Wala nang pinapatunguhan ang lahat.Dahil sa'yo.


Dahil sa'yo...
            ...hindi ako makapag-practice ng elocution.
            ...hindi ako makagawa ng Physics homeworks.
            ...hindi ako makapagsulat ng article.
            ...hindi pa ako natutulog.
            ...nagsasayang ako ng oras kasusulat ng walang kwentang entry.
            ...napaka-cheesy ko ngayon.


At hindi ko na hahabaan pa ang cheesy moments ko.i don't want to leave so much for a trace of shame.Hanggang dito na lang.


At sana, pati ang nararamdaman ko ay hanggang dito na lang. Kung pwede lang sana.


Hindi ka nakakatulong.


Mabuti pa si Jason [Gaguan], laging nandiyan para payuhan akong, "Love sucks".
Jason, malapit mo na kong mapaniwalang LOVE SUCKS.


Ilang beses ko nabanggit ang cheesy sa entry na ito [not including the one in this line]: 9 


tama ba? Reply ka na lang kung namali ako ng bilang.

Monday, 23 October 2006

STR.Damit.Buhay.

[shoot.nadelete ung original nito.pangalawang beses ko na toh gagawin.takte talga!!]

"What makes coffee sweet? Sugar? Wrong. It's the stirring that you do after you add sugar. As in life, it's what you do with what you have that makes your life worth living..."

Mensahe ni Sir Taf. Akala ko wrong sent, pero hindi raw.

"...it's what you do with what you have that makes your life worth living..."

Quotable quote ule.Galing.Pero antagal ko tong pinagisipan. Pasensya na, mabagal na mag-process utak ko dahil madali nang nayu-use up ung acetylcholine ko these past weeks. (Kung ano ung acetylcholine, search nio na lang sa net. Tinatamad na ko e. Sorry.) Eniwei, kung pag-iisipan mong mabuti, simple lang naman ibig sabihin nung mga salitang naka-bold sa taas e.Maximize your resources in order to achieve optimal effectivity.Ok.Dorky Statement.

Nevermind.Feeling ko, mei dahilan kung bakit pinadala ni Sir Taf ung message na yan e.Palagay ko na-realize nia na naloloka na kami sa kahahanap ng mga linchakang resources na yan tulad ng lab materials (such as corning tubes na pagkamahal-mahal, pati na rin yung depression plates na depression slides pala ang tawag), money, time, at higit sa lahat...ENERGY.

Lab materials. Hindi ko talaga malaman kung bakit ang mahal ng mga corning tubes na yan.At tinamaan ng magaling, wala palang tindang corning tubes at depression slides sa mercury drug. Nagsayang lang ako ng oras sa pagbaba sa Mercury Drug-Philcoa para lang maghanap ng mga nabanggit na lab materials. Andilim pa tuloy ng nilakad ko papuntang MSI.

Money. D-uh. Pambili ng lab materials, pamasahe, at pang-kain.

Time. Ay nako.Nako talaga. Hindi na nga uso sa amin ang early dismissal e.Right after class,diretso agad kami sa MSI. Hanggang alas-nwebe na un (more or less). Tapos,kulang pa rin ang oras, kaya kailangan pang mag-absent para lang makapag-work.

ENERGY. ano pa nga ba?

Sa totoo lang, ngayon ko lang toh aaminin. Pagod na ko.

Oo, nagrereklamo ako. At wala silang magagawa. I'm feeling rebellious tonight. Hayaan nio na ko. Dahil pagkatapos ko naman magreklamo e wala rin akong magagawa. Magtatrabaho rin ako. Gusto ko lang sabihin na pagod na ko.

Napakabilis ng takbo ng oras.Hindi na nga ako nakakapagplano para a day ahead e (FYI: before, I plan my things-to-do a week ahead), hours ahead na lang. Minsan nga, on the spot pa. Grabe. Masyado ko na ata kina-career STR.

At ngayon. Ang galing talaga ng mundo. Akalain mong wala akong isusuot na damit. Galing kasi. Mei nag-iwan ng bags ko sa Pisay. Amft. Ano pa ba magagawa ko, make use of what I have. Great. Ni wala man lang ako pantulog. Galing talaga. Sobrang nakatulong sa stress na dinaranas ko ngayon.

Magrereklamo pa ko.

October 26. Mark the date. Yan ang araw ng kapanganakan ko. In English, birthday. At asan ako sa mga panahong yan? Nasa laboratory. *deep breath* *sigh*

Kani-kanina lang. Bago na-delete ung original entry, mei natanggap akong mensahe mula sa aming consultant (at designated supervisor) na si Sir Chris. Sabi nia,

"Be thankful that you don't have everything you desire. If you did, what would there be to look forward to? Be thankful for the difficult times. It's during those times you grow. Be thankful for your limitations because they give you opportunities for improvement. Be thankful for your mistakes, they will teach you valuable lessons.Find a way to be thankful for your troubles , and they can become your blessings."

Amazing. Just on time. Ang galing talaga ni Lord, He really sends messages through other people. Amazing talaga.

Hanggang dito na lang ang entry ko kasi tatapusin ko pa research plan namin. Yup, it's STR.

Pahabol: Blind item. Sino itong taong ito na lagi na lang ako pinapagalitan? Imbyerna na ko sa kanya.

Happy Birthday, Mariel!

 

Wednesday, 18 October 2006

HPLC.

http://books.google.com/books?hl=en&lr=&id=z6Hb7am9WjwC&oi=fnd&pg=PR7&sig=etdOvQXI5dNcHbvsq2hAfQRuRWg&dq=principles+of+hplc&prev=http://scholar.google.com/scholar%3Fq%3Dprinciples%2Bof%2Bhplc%26hl%3Den%26lr%3D
know more about HPLC.

Reverse Phase HPLC Basics for LC/MS

http://www.ionsource.com/tutorial/chromatography/rphplc.htm#The%20HPLC
get to know High Performance Liquid Chromatography aka HPLC.

Freaky FAIR-day!

Start:     Oct 27, '06 01:00a
End:     Oct 28, '06 5:00p
Location:     Pisay grounds, Agham Rd, Diliman, Quezon City
ito po ang fair namin sa pisay.enjoy ito dahil 07 ang nag-organize.punta kayo!!

Intel International Science and Engineering Fair

http://www.sciserv.org/isef/
hindi naman masyadong halatang nangangarir ako.for str din ito.

razel's birthday

Start:     Oct 26, '06
wala naman.birthday lang.

mariel villaverde

Start:     Oct 24, '06 12:00p
End:     Oct 24, '06 2:00p
Location:     McDonald's Katipunan

nudibranchs.

http://www.wetwebmedia.com/nudibran.htm
str namin ito.maganda ang mga nudibranchs.kaya't kay hirap isipin na sila ang source ng lahat ng paghihirap namin ngayon.

Tuesday, 17 October 2006

random pictures.




i have lived through 89 of these things

[1 ] I have read a lot of books. 

[2] I have been on some sort of varsity team. /oo, kahit na training pool lang ako..hehe..

[3] I have been (or wanted to go to) to Canada. /we were supposed to migrate.kaso hassle ang papers.
[4 ] I have been (or wanted to go to) to Europe. /naman.gusto ko kasi magpunta sa Hogwarts.hehehe.

[5] I have watched cartoons for hours. /grabe.kim possible, lilo and stitch, totally spies...
[6 ] I have tripped UP the stairs.
[7] I have fallen down an entire flight of stairs. /oo.andami pa namang bisita sa baba ng stairs.yikes.sabi ko na lang, "kaya nio yun?"

[ ] I have been snowboarding/skiing.
[8] I have played ping pong.
[ ] I have been on a whale watch.
[9] I have seen fireworks. /ehem.taga-Bulacan ata toh.
[10] I have seen a shooting star. /at astrosoc din ako!
[11] I have seen a meteor shower. /astrosoc pa rin.
[12] I have almost drowned. /nung birthday ng kuya ko.
[13] I have been so embarrassed I wanted to disappear. /andaming moments na ganito.

[14] I have listened to one CD over and over and over again. /won't tell you what.
[15] I have had stitches. /6 stitches on my left foot.
[  ] I have had frostbite.
[  ] I have licked a frozen pole and got stuck there.
[16] I have stayed up 'til 2 doing homework/projects. /sus.wla ngang tulugan kung minsan e.chicken.pisay toh noh.

[17] I currently have a job. /iskolar ng bayan does count, doesn't it?
[18 ] I have been ice skating. /go electron!

[ ] I have been roller blading.
[ ] I have fallen flat on my face.
[19] I have tripped over my own two feet.
[ ] I have been in a fist fight.
[20] I have played video games for more than 3 hours straight /diner dash.napagalitan pa ko ng kuya ko.

[21] I have watched the Power Rangers. /ako nga si pink ranger e.

[22] I attend Church regularly. /oo naman.

[23] I have played truth or dare. /daming beses na.

[24] I have already had my 16th birthday. /sa MSI lab pa nga ako nagbirthday e.
[25] I have already had my 17th birthday.
[26] I've called someone stupid. /nako naman.gelo...hahaha.
[27] I've been in a verbal argument. /ako pa..wala ata tong inuurungan..unless tinatamad ako.

[28] I've cried in school. /*roll eyes*

[29] I've played basketball on a team. /kasama ba yung pe?at yung scrimmage with the girls varsity.hehe.

[ ] I've played baseball on a team.
[ ] I've played football on a team.
[30] I've played soccer on a team. /soccer base.pauso ng mga guro sa dati kong school. at tsaka soccer dito sa UP para sa kaSCIyahan.maputik pa yung sunken!

[31] I've done cheerleading on a team. /sure.

[32] I've played softball on a team. /dito pala ung softball.
[33] I've played volleyball on a team./think so.
[  ] I've played tennis on a team.
[  ] I've been on a track or cross country team.
[34] I've been swimming more than 20 times in my life./nako naman.Pisay pa lang e.4 yrs.
[ ] I've bungee jumped. /gusto ko toh itry.

[35] I've climbed a rock wall. /fair.nasuspend pa nga ako sa gitna e.nakakapagod.
[36] I've lost more than $20. /mabait ako sa magnanakaw e.
[37] I've called myself an idiot.
[38] I've called someone else an idiot. /hmmm.gelo ule?..hehehe.
[39] I've cried myself to sleep.
[40] I've had (or have) pets.
[ ] I've owned a spice girls CD.
[  ] I've owned a Britney Spears CD. /pero gusto ko!!
[  ] I've owned an N*Sync CD.
[ ] I've owned a Backstreet Boys CD.
[41] I've mooned someone.

[42] I have sworn at someone of authority before.
[43] I've been in the newspaper.  
[44] I've been on TV.
[45] I've been (or wanted to go to) to Hawaii. /want to go.

[46 ] I've eaten sushi
[ ] I've been on the other side of a waterfall.
[47] I've watched all of the Lord of the Rings movies. /sapilitan.minuvie marathon namin ung tatlo.

[ ] I've watched all the Harry Potter movies./di ko pa napanood ung goblet e. *sad*

[ ] I've watched all of the Rocky movies.
[48] I've watched the 3 Stooges.
[ ] I've watched "Newlyweds" Nick & Jessica.

[49] I've watched Looney Tunes.
[ ] I've been stuffed into a locker/I have stuffed others into a locker /maliit lang locker dito sa pisay e.unless minurder ko muna ung isstuff ko.at chinop into pieces.
[50] I've been called a geek. /nerd, actually.
[51] I've studied hard for a test and got a bad grade. /math forever

[52] I've not studied at all for a test and aced it. /math quiz.over 10 lang.haha.
[ ] I've hugged my mom within the past 24 hrs. /haven't even seen her for the past 72 hours.
[ ] I've hugged my dad within the past 24 hours. /haven't seen him for what, 2 weeks?
[53] I've met a celebrity/music artist. /i love raimund marasigan!!
[54] I've written poetry. /ni-require ni santiago!

[ ] I've been arrested.
[55] I've been attracted to someone much older than me. /sus! ako pa.
[ ] I've been tickled till I've cried.
[56] I've tickled someone else until they cried.
[57] I've had/have siblings.
[58] I've been to a rock concert. /ako pa!!!!
[59] I've listened to classical music and enjoyed it.
[60] I've been in a play. /queen kaikeyi ata toh.
[ ] I've been picked last in gym class.
[ ] I've been picked in that middle-range in gym class.
[61] I've cried in front of my friends

[62] I've read a book longer than 1,000 pages. /i guess.once and future king??!!

[ ] I've played Halo 2.
[ ] I've freaked out over a sports game.
[ ] I've been (or wanted to go to) to Alaska.
[63] I've been (or wanted to go to) to China. /sarap lang siguro magshopping dun!
[64] I've been (or waned to go to) to Spain. /si!

[65] I've been (or wanted to go to) to Japan /hai! more than anywhere else!!!

[  ] I've had a fight with someone on IM.
[66] I've had a fight with someone face-to-face.
[ ] I've had serious conversations on any IM.

[67] I've forgiven someone who has done something wrong to me.
[68] I've been forgiven. 
[69 I've screamed at a scary movie.  

[70] I've cried at a chick flick /never been kissed. :'(

[71] I've watched a lot of action movies /i love 300 and v for vendetta!

[72] I've screamed at the top of my lungs. /damn snakes.
[ ] I've been to a rap concert.
[ ] I've been to a hip hop concert.
[73] I've lived in more than 2 houses. /included ba ang dorm?
[74] I've driven on the highway/been on the highway. /been

[ ] I've driven more than 40 miles in a day/been in a car that went more than 40 miles in a day.

[ ] I've been in a car accident.
[ ] I've done drugs.
[75] I've been homesick.
[76] I've thrown up.
[ ] I've puked on someone.
[77] I've been horseback riding.
[  ] I've filled out more than 10 myspace/LJ surveys.
[78] I've spoken my mind in public.

[79] I've proved someone wrong. /i love doing this.
[80] I've been proven wrong by someone. /i also love this.brave people.
[ ] I've broken a leg.
[ ] I've broken an arm/fingers.
[81] I've fallen off a swing.
[82] I've swung on a swing for more than 30 minutes straight
[ ] I've watched Winnie the Pooh movies.
[83] I've forgotten my backpack when I've gone to school.
[ ] I've lost my backpack.
[ ] I've come close to dying.
[ ] I've seen someone die.
[84] I've known someone who has died.
[85] I've wanted to be an actor/actress at some point. /up to this point,actually.
[ ] I've done modeling.
[86] I've forgotten to brush my teeth some mornings.
[87] I've taken something/someone for granted.
[88] I've realized how good my life is.

[89] I've counted my blessings. /i always do.

[90] I've made fun of a classmate. /ako pa.

[ ] I've been asked out by someone and I said no.
[91] I've slapped someone in the face /dami na.latest si neil.
[ ] I've been skateboarding
[92] I've been backstabbed by someone I thought was a friend
[93] I've lied to someone to their face.
[94] I've told little white lies.
[95] I've taken a day off from school just so I don't go insane. /naman!
[ ] I've fainted.
[ ] I've had an argument with someone about whether cheerleading is sport or not.
[96] I've pushed someone into a pool.
[97] I've been pushed into a pool.
[ ]I have run more than 2 miles without stopping.
[98] I swam in the ocean. /kasama ba yung beach?

 

Econ.Grades.Blog Alay kay Sir Vlad.

       Econ kanina. Maraming late dahil nagcacram ng econ casework. Alas-dos na ng madaling araw, marami pa ring gcng dahil sa Econ. Econ. Econ. Econ.


       Kanina, debriefing ni Sir Vlad. Para sa mga hindi nakaaalam, usually ginagawa ang debriefing kapag na-expose ang isang tao sa isang harsh condition. Ginagawa ito para 'wag ma-trauma at mabaliw ang taong na-expose sa cruel reality of life. Kunyari, nung pinag-alaga kami ng mga batang mei taning na ang buhay dahil sa cancer, pagkagaling namin sa ospital, debriefing. Marami kasi sa amin ang hindi sanay sa ganung encounters. Nakakaloko. Kaya kanina nag-debrief nga si Sir Vlad. Siguro kasi maraming na-trauma sa first two quarters ng Econ na, ayon sa kanya, ay madali pa raw. Shoot. 


      Nagsimula ang debriefing sa pag-review ng vision ng Econ class with Sir Vlad. Content, Character, Skills, etc. Yun daw content, lahat dun nag-focus. Ayos lang naman daw na mag-focus ka dun, pero wag kalimutan ang character at skills, etc. Hindi ko na nasubaybayan ung sinabi nia kasi bigla kong naalala na wala pala akong dalang filler para sa 3rd Quarter Econ notes. Gusto ko kasing i-take down lahat ng sinasabi ni Sir.


      Nang biglang narinig ko ang mga katagang "YOU'RE NOT YOUR GRADES". Napatigil ako at napakinig lalo sa sinasabi nia. Yun ang maganda kay Sir, bawat speech nia, mei sense. Kaya naman hindi sayang sa oras makinig. Hindi naman daw sa hindi mahalaga ang grades. Pero hindi rin grades ang sukatan ng pagkatao ng isang estudyante. Isipin mong maigi. Tama si Sir. Ayon pa sa kanya, magiging unfair cia kung ang tingin nia sa mga estudyante ay Uno o Cinco dahil sa ganung paraan, nililimitahan na nia ang kakayahan ng taong iyon para maipakita kung ano talaga ang kaya niang gawin.


      Napaka-striking ng words ni Sir. Tagos sa puso. Kaya nga hanggang ngayon ay sinusulat ko pa cia dito sa blog ko. Ang tindi kasi. Ngayon ko pa lang naringgan ang isang guro na magbigay ng isang debriefing speech. Ganyan katindi si Sir Vlad.


      Sir, kung binabasa mo man ito ngayon. Gusto kong malaman mo na napakaastig mong tao. Ikaw pa lang ang na-encounter kong teacher na ganyan--ganyan mag-lecture (tumatalon na lang bigla sa table), ganyan magpa-test, at ganyan ka-inspiring. Pero hindi ka lang basta guro, TAO ka, Sir, dahil marunong kang makiramdam sa mga estudyante mo. Rock on, Sir! .\m/

Sunday, 1 October 2006

Friday, 29 September 2006

when i met you

There I was an empty piece of a shell,
Just mindin’ my own world;
Without even knowin’ what love and life were all about.


Then you came,
You brought me out of the shell;
You gave the world to me
And before I knew,
There I was so in love with you.

You gave me a reason for my being
And I love what I’m feelin’
You gave me a meaning to my life,
Yes, I’ve gone beyond existing
And it all began when I met you.


I love the touch of your hair
And when I look in your eyes
I just know, I know I’m on to something good


And I’m sure my love for you will endure
Your love will light up my world;
And take all my cares away with the aching part of me.


You gave me a reason for my being
And I love what I’m feelin’
You gave me a meaning to my life,
Yes, I’ve gone beyond existing
And it all began when I met you.


You taught me how to love,
You showed me how tomorrow and today
My life is diff’rent from the yesterday;
And you, you taught me how to love
And darling I will always cherish you
Today, tomorrow and forever.


And I’m sure when evening comes around
I know we’ll be making love like never before;
My love, who could ask for more?


You gave me a reason for my being
And I love what I’m feelin’
You gave me a meaning to my life,
Yes, I’ve gone beyond existing
And it all began when I met you.
When I met you.


You gave me a reason for my being
And I love what I’m feelin’
You gave me a meaning to my life,
Yes, I’ve gone beyond existing
And it all began when I met you.
When I met you.

electron days.




still trapped in this days..and i love it..

rosal days.




ito ang mga litratong pruweba ng aking ikalawang taon sa mataas na paaralan ng pilipinas sa agham, kasama ang mga bangag na pinagsama-sama sa pangkat na tinatawag na ROSAL'07.

Monday, 25 September 2006

unang blog entry

unang blog entry sa tanang buhay ko..grabe..brief overview kung ano ang sitwasyon ko habang sinusulat ko ang entry na ito..ako ay nakasuot pa ng labgown dahil nagla-lab kami d2 sa *toot* para sa aming dakilang STR project..ayun..hindi na ako makapaglagay ng mas mahaba dahil marami pa akong gagawin..isa pa, sira ang keyboard kaya natatakot akong mag-type ng marami..mei sariling utak kasi ang back space key..kaya isang maling pindot, ubos ang unang entry..damn..hehe..WARNING: ang magiging laman ng blog na ito ay purong kuro-kuro ko lamang at base sa mga prinsipyo ko sa buhay..kaya, kung di mo man magustuhan ang mga isusulat ko, hindi ibig sabihin nun masama akong tao o kaya naman'y ikaw ang masama..ceteris paribus (che-te-ris pa-ri-bus)..keep all things constant..pero dahil mahirap i-attain ang ceteris paribus, isa lang ang magiging solusyon dian: R-E-S-P-E-C-T. thank you.. Ü