Econ kanina. Maraming late dahil nagcacram ng econ casework. Alas-dos na ng madaling araw, marami pa ring gcng dahil sa Econ. Econ. Econ. Econ.
Kanina, debriefing ni Sir Vlad. Para sa mga hindi nakaaalam, usually ginagawa ang debriefing kapag na-expose ang isang tao sa isang harsh condition. Ginagawa ito para 'wag ma-trauma at mabaliw ang taong na-expose sa cruel reality of life. Kunyari, nung pinag-alaga kami ng mga batang mei taning na ang buhay dahil sa cancer, pagkagaling namin sa ospital, debriefing. Marami kasi sa amin ang hindi sanay sa ganung encounters. Nakakaloko. Kaya kanina nag-debrief nga si Sir Vlad. Siguro kasi maraming na-trauma sa first two quarters ng Econ na, ayon sa kanya, ay madali pa raw. Shoot.
Nagsimula ang debriefing sa pag-review ng vision ng Econ class with Sir Vlad. Content, Character, Skills, etc. Yun daw content, lahat dun nag-focus. Ayos lang naman daw na mag-focus ka dun, pero wag kalimutan ang character at skills, etc. Hindi ko na nasubaybayan ung sinabi nia kasi bigla kong naalala na wala pala akong dalang filler para sa 3rd Quarter Econ notes. Gusto ko kasing i-take down lahat ng sinasabi ni Sir.
Nang biglang narinig ko ang mga katagang "YOU'RE NOT YOUR GRADES". Napatigil ako at napakinig lalo sa sinasabi nia. Yun ang maganda kay Sir, bawat speech nia, mei sense. Kaya naman hindi sayang sa oras makinig. Hindi naman daw sa hindi mahalaga ang grades. Pero hindi rin grades ang sukatan ng pagkatao ng isang estudyante. Isipin mong maigi. Tama si Sir. Ayon pa sa kanya, magiging unfair cia kung ang tingin nia sa mga estudyante ay Uno o Cinco dahil sa ganung paraan, nililimitahan na nia ang kakayahan ng taong iyon para maipakita kung ano talaga ang kaya niang gawin.
Napaka-striking ng words ni Sir. Tagos sa puso. Kaya nga hanggang ngayon ay sinusulat ko pa cia dito sa blog ko. Ang tindi kasi. Ngayon ko pa lang naringgan ang isang guro na magbigay ng isang debriefing speech. Ganyan katindi si Sir Vlad.
Sir, kung binabasa mo man ito ngayon. Gusto kong malaman mo na napakaastig mong tao. Ikaw pa lang ang na-encounter kong teacher na ganyan--ganyan mag-lecture (tumatalon na lang bigla sa table), ganyan magpa-test, at ganyan ka-inspiring. Pero hindi ka lang basta guro, TAO ka, Sir, dahil marunong kang makiramdam sa mga estudyante mo. Rock on, Sir! .\m/
true. :)
ReplyDeletei am definitely not my grades. DAHIL HINDI AKO MABABA! HAHAHA.
defensive!..hahaha..jowk lang..labyu, gelo..ikaw unang-unang nagpost ng comment!
ReplyDeletevery nice. :) onga kakaiba si sir na teacher, laging interesting ang discussion, hindi confined to academic information, nacoconnect nya ang discussion sa life ideals and values. enjoy ur last year!:D kahit kakaibang pahirap during the school year, ok lang kasi afterwards, you'll always have with you the learnings. :D
ReplyDeletehaha.onga. sobrang galing ni sir. kaya di mo cia masisi kahit bagsak ka (di pa naman ako bagsak.hehe.pero malapit na). sana nga ma-survive namin ang hirap ng last year.mas sweet nga naman kasi ang harvest kung pinaghirapan talaga. :)
ReplyDeletetama tama. :D kahit it doesn't seem to be, [it'll make more sense at the end of the year, after everything ;)] everything's gonna be alright, pati grades hopefully. you just have to keep doing your work and try hard not to waver. sabe ni sir nung start ng school year, batch adviser din kasi namin siya, "start strong and finish the race well, together...", so yun. truly, things would pay off later on. :D (as in totoo 'to! hehe)
ReplyDeletesana.sana.kaya namin toh,dahil kinaya ng iba.hehe. :D
ReplyDeletetrue true! wish u the best always!:D
ReplyDeleteFunny, how people are told the same message in many times and different ways... until one finally hits you. We are not our grades. It's nothing new, really. Ilang beses nga ba talaga tayong pinagsasabihan niyan. Mag-aagree kahit na pinalampas lang natin yung meaning ng message. We hear things but we don't listen. Buti nalang di nagsasawa si God na mangulit sa atin. Whew!
ReplyDeletehmm...actually, first time ko yun narinig..queer..o baka naman, first time pinarinig ni God na pinakinggan ko.. :) ..well, i guess, i won't let this message just pass by..it already made its mark, and i promise you it will stay FOREVER..i miss you, ate frances..haven't seen you for such a long time now.. :)
ReplyDeletea good friend told me this 6 years go and it stuck with me, "people are simply passing." how true! we're all on a journey and headed toward the same destination, but each one has a unique way of getting there. people just cross paths. i really appreciate meeting you at the intersections, and i'm sure i'll bump into you again. it's a small world, y'know. naks! drama!
ReplyDeletei'll wait for the next intersection. :)
ReplyDelete