Monday, 4 December 2006

Karangalan.Dignidad.Drama ng Intel.

alam ko hindi ko toh dapat ginagawa ngayon.


i'm violating rules again.


i know.


but i need it to remind myself i'm still human.


brief intro ng mga pangyayari:
           qualified kami to compete for intel science and engineering fair-regionals. hindi ko masabi kung natutuwa ako o ano. gaganapin ito ng dec6-8--perio at final days before christmas vacation. excused kami na ipagpaliban muna ang pagkuha ng perio. sa dec11 onwards na lang daw. habang nagbabakasyon ang iba, nagpeperio kami. magaling.


Ayan, ngayong alam nyo na ang brief background, let's go into details.


ngayong gabi, marami kaming ginagawa. hindi man kami nagrereview para sa perio, wala pa rin dapat ika-inggit. dahil mas gugustuhin ko mag-review kesa mag-edit ng mga dokumentong nabasa ko na ng MARAMING beses. i have to go into details dahil perfectionist ako. OC kumbaga. Hindi lang yan, kailangan din aralin muli ang sandamakmak na related literature para hindi mapahiya sa judges na magsisilbing mga berdugong kakatay sa min sa mga nakatakdang araw.


mas gugustuhin ko pa mag-aral kasi pwede naman akong hindi mag-aral [hindi malabo ang sentence na ito, iniisip mo lang yun]. kung bumagsak ako sa perio, kahihiyan ko. e kung matalo kami sa intel?


karangalan ng PISAY ang nakataya. pati ang dignidad kong unti-unti nang nauubos ng journ.


magrereklamo pa ako. pabayaan ninyo ako. ngayon ko lang nalaman na 5mins lang ang oral presentation. for everyone's information, we consume at least 13mins for our STR oral presentations, which will be the same thing we'll present. at eto ang pinakamasakit sa lahat! ako mag-isa ang magooral report!!!!! kung aabot man kami dun. tinamaan ng magaling. wala man lang sasalo sa mga kabobohan ko. and it's all because i'm the team leader. what a curse.


natatakot ako.


oo, natatakot ako. kaya wala akong magawa kundi magreklamo. dahil hindi ko matanggap sa sarili ko ang mga nabanggit sa taas. at mas lalong hindi ko matanggap na wala na kong magagawa. oo, wala na kong magagawa kahit sabihin ninyong di pa nagsisimula ang intel at pwde pa kami mag-back out. e hindi na nga ako nakaaral para sa perio bukas e!!!!!. *buntong-hininga*. parang ayokong maniwala na umabot sa GANITO ang aming mumunting mga nudibranchs. grabe.


pressured.


PS. Salamat, ate val gatdula. hindi mo lang alam kung gano kalaking tulong ka sa 'min! abangan mo ang pangalan mo sa acknowledgments namin. salamat at nandyan ka sa panahong kailangang-kailangan namin ng taong may experience sa intel. dahil WALA ANG TAONG PINAKAKAILANGAN NAMIN NGAYON. bakit? dahil may topak ATA--either ang internet connection niya, cellphone, landline, o kaya e siya. ewan ko lang.


TRIVIA: si dr. cruz pa mismo ang nagpa-excuse sa 'min. sosyal.


TRIVIA 2: pumasa ako sa mapua.sa course na pinili ko: Chem/Chem Eng/Biotech.

7 comments:

  1. salamat!..bilis ng reply ah.hehe.

    ReplyDelete
  2. hey kaya mo yan, kaya nyo yan. this is supposed to be a learning experience db, so have fun with it and enjoy every moment. ok lang yan, it's actually fun. plus you'll have a memory of joining intel with you. KOKO (vlad ka ba?) :D

    ReplyDelete
  3. yeah.vlad kami.remember?you're not your grades.hehe.salamat, ate val sa lahat ng tulong mo sa min.maraming maraming salamat.and sir tafaleng greets you a happy birthday.Ü

    ReplyDelete
  4. ah! oo nga pala. hehe thanks sa greeting pasabi din:D

    ReplyDelete