Monday, 23 October 2006

STR.Damit.Buhay.

[shoot.nadelete ung original nito.pangalawang beses ko na toh gagawin.takte talga!!]

"What makes coffee sweet? Sugar? Wrong. It's the stirring that you do after you add sugar. As in life, it's what you do with what you have that makes your life worth living..."

Mensahe ni Sir Taf. Akala ko wrong sent, pero hindi raw.

"...it's what you do with what you have that makes your life worth living..."

Quotable quote ule.Galing.Pero antagal ko tong pinagisipan. Pasensya na, mabagal na mag-process utak ko dahil madali nang nayu-use up ung acetylcholine ko these past weeks. (Kung ano ung acetylcholine, search nio na lang sa net. Tinatamad na ko e. Sorry.) Eniwei, kung pag-iisipan mong mabuti, simple lang naman ibig sabihin nung mga salitang naka-bold sa taas e.Maximize your resources in order to achieve optimal effectivity.Ok.Dorky Statement.

Nevermind.Feeling ko, mei dahilan kung bakit pinadala ni Sir Taf ung message na yan e.Palagay ko na-realize nia na naloloka na kami sa kahahanap ng mga linchakang resources na yan tulad ng lab materials (such as corning tubes na pagkamahal-mahal, pati na rin yung depression plates na depression slides pala ang tawag), money, time, at higit sa lahat...ENERGY.

Lab materials. Hindi ko talaga malaman kung bakit ang mahal ng mga corning tubes na yan.At tinamaan ng magaling, wala palang tindang corning tubes at depression slides sa mercury drug. Nagsayang lang ako ng oras sa pagbaba sa Mercury Drug-Philcoa para lang maghanap ng mga nabanggit na lab materials. Andilim pa tuloy ng nilakad ko papuntang MSI.

Money. D-uh. Pambili ng lab materials, pamasahe, at pang-kain.

Time. Ay nako.Nako talaga. Hindi na nga uso sa amin ang early dismissal e.Right after class,diretso agad kami sa MSI. Hanggang alas-nwebe na un (more or less). Tapos,kulang pa rin ang oras, kaya kailangan pang mag-absent para lang makapag-work.

ENERGY. ano pa nga ba?

Sa totoo lang, ngayon ko lang toh aaminin. Pagod na ko.

Oo, nagrereklamo ako. At wala silang magagawa. I'm feeling rebellious tonight. Hayaan nio na ko. Dahil pagkatapos ko naman magreklamo e wala rin akong magagawa. Magtatrabaho rin ako. Gusto ko lang sabihin na pagod na ko.

Napakabilis ng takbo ng oras.Hindi na nga ako nakakapagplano para a day ahead e (FYI: before, I plan my things-to-do a week ahead), hours ahead na lang. Minsan nga, on the spot pa. Grabe. Masyado ko na ata kina-career STR.

At ngayon. Ang galing talaga ng mundo. Akalain mong wala akong isusuot na damit. Galing kasi. Mei nag-iwan ng bags ko sa Pisay. Amft. Ano pa ba magagawa ko, make use of what I have. Great. Ni wala man lang ako pantulog. Galing talaga. Sobrang nakatulong sa stress na dinaranas ko ngayon.

Magrereklamo pa ko.

October 26. Mark the date. Yan ang araw ng kapanganakan ko. In English, birthday. At asan ako sa mga panahong yan? Nasa laboratory. *deep breath* *sigh*

Kani-kanina lang. Bago na-delete ung original entry, mei natanggap akong mensahe mula sa aming consultant (at designated supervisor) na si Sir Chris. Sabi nia,

"Be thankful that you don't have everything you desire. If you did, what would there be to look forward to? Be thankful for the difficult times. It's during those times you grow. Be thankful for your limitations because they give you opportunities for improvement. Be thankful for your mistakes, they will teach you valuable lessons.Find a way to be thankful for your troubles , and they can become your blessings."

Amazing. Just on time. Ang galing talaga ni Lord, He really sends messages through other people. Amazing talaga.

Hanggang dito na lang ang entry ko kasi tatapusin ko pa research plan namin. Yup, it's STR.

Pahabol: Blind item. Sino itong taong ito na lagi na lang ako pinapagalitan? Imbyerna na ko sa kanya.

Happy Birthday, Mariel!

 

No comments:

Post a Comment