Start: | Mar 27, '07 5:30p |
End: | Mar 28, '07 02:00a |
Location: | Manila Hotel, Centennial Ballroom |
Knowing how the road will turn doesn't necessarily mean you can't enjoy the ride.
Thursday, 29 March 2007
Grad Ball.
Graduation.
Start: | Mar 27, '07 08:00a |
End: | Mar 27, '07 12:00p |
Location: | PSHS-Gym |
FEAR.what frightens you?
Alam kong marami na kong utang na blog entries at pictures.
Pasensya na sa mga naghihintay.
Babawi ako.Promise.
Sa ngayon, tapos na ang apat na taong paghihirap sa Pisay. Graduation noong March 27. Sabog ang grad dahil sobrang kinram ang lahat. Haha. Pero, who cares. I like it better that way. Mas natural, mas totoo. It will be the best graduation I'll ever have. Gusto ko rin ang speech ni Usec. Fortunato dela Peña. Tao pala siya. Marunong mag-joke at tumawa. I like his sense of humor. Ang fable of the chickens and eagle. Magaling. Napaka-angkop. Nitatamad ako ulitin yung kwento niya. Next time na lang.
Ang talagang pakay ng blog na ito ay para magbahagi ng isang napaka-inspirational na tula. Kung napanood mo na ang Coach Carter, malamang di na ito iba sa'yo.
Lalo na sa mga Pisay dian, wala akong pakialam kung anong batch kayo. This poem is timeless. Mainam na mabasa ninyo. Personally, I think it reveals our true feelings and proper goals.
Kung sino ka man, no exception, damdamin mo ito:
Our deepest fear is not that we are inadequate.
Our deepest fear is that we are powerful beyond measure.
It is our light, not our darkness, that most frightens us.
We ask ourselves,
Who am I to be brilliant, gorgeous, talented, fabulous?
Actually, who are you not to be?
You are a child of God.
Your playing small doesn't serve the world.
There is nothing enlightened about shrinking
So that other people will not feel insecure around you.
We are all meant to shine, as children do.
We were born to make manifest
the glory of God that is within us.
It's not in just some of us;
It's in everyone.
And as we let our own light shine,
We unconsciously give other people
permission to do the same.
As we're liberated from our own fear,
Our presence automatically liberates others.
Marianne Williamson
A Return To Love (1992), Chapter 7
Saturday, 3 February 2007
Dreading Christmas - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos
article ito ni Sir Arghs, ang aming magiting na guro sa English.
Tuesday, 5 December 2006
Intel Science and Engineering Fair-Regionals
Start: | Dec 6, '06 12:00p |
End: | Dec 7, '06 |
Location: | University of the East-Caloocan |
Monday, 4 December 2006
Karangalan.Dignidad.Drama ng Intel.
alam ko hindi ko toh dapat ginagawa ngayon.
i'm violating rules again.
i know.
but i need it to remind myself i'm still human.
brief intro ng mga pangyayari:
qualified kami to compete for intel science and engineering fair-regionals. hindi ko masabi kung natutuwa ako o ano. gaganapin ito ng dec6-8--perio at final days before christmas vacation. excused kami na ipagpaliban muna ang pagkuha ng perio. sa dec11 onwards na lang daw. habang nagbabakasyon ang iba, nagpeperio kami. magaling.
Ayan, ngayong alam nyo na ang brief background, let's go into details.
ngayong gabi, marami kaming ginagawa. hindi man kami nagrereview para sa perio, wala pa rin dapat ika-inggit. dahil mas gugustuhin ko mag-review kesa mag-edit ng mga dokumentong nabasa ko na ng MARAMING beses. i have to go into details dahil perfectionist ako. OC kumbaga. Hindi lang yan, kailangan din aralin muli ang sandamakmak na related literature para hindi mapahiya sa judges na magsisilbing mga berdugong kakatay sa min sa mga nakatakdang araw.
mas gugustuhin ko pa mag-aral kasi pwede naman akong hindi mag-aral [hindi malabo ang sentence na ito, iniisip mo lang yun]. kung bumagsak ako sa perio, kahihiyan ko. e kung matalo kami sa intel?
karangalan ng PISAY ang nakataya. pati ang dignidad kong unti-unti nang nauubos ng journ.
magrereklamo pa ako. pabayaan ninyo ako. ngayon ko lang nalaman na 5mins lang ang oral presentation. for everyone's information, we consume at least 13mins for our STR oral presentations, which will be the same thing we'll present. at eto ang pinakamasakit sa lahat! ako mag-isa ang magooral report!!!!! kung aabot man kami dun. tinamaan ng magaling. wala man lang sasalo sa mga kabobohan ko. and it's all because i'm the team leader. what a curse.
natatakot ako.
oo, natatakot ako. kaya wala akong magawa kundi magreklamo. dahil hindi ko matanggap sa sarili ko ang mga nabanggit sa taas. at mas lalong hindi ko matanggap na wala na kong magagawa. oo, wala na kong magagawa kahit sabihin ninyong di pa nagsisimula ang intel at pwde pa kami mag-back out. e hindi na nga ako nakaaral para sa perio bukas e!!!!!. *buntong-hininga*. parang ayokong maniwala na umabot sa GANITO ang aming mumunting mga nudibranchs. grabe.
pressured.
PS. Salamat, ate val gatdula. hindi mo lang alam kung gano kalaking tulong ka sa 'min! abangan mo ang pangalan mo sa acknowledgments namin. salamat at nandyan ka sa panahong kailangang-kailangan namin ng taong may experience sa intel. dahil WALA ANG TAONG PINAKAKAILANGAN NAMIN NGAYON. bakit? dahil may topak ATA--either ang internet connection niya, cellphone, landline, o kaya e siya. ewan ko lang.
TRIVIA: si dr. cruz pa mismo ang nagpa-excuse sa 'min. sosyal.
TRIVIA 2: pumasa ako sa mapua.sa course na pinili ko: Chem/Chem Eng/Biotech.
Monday, 20 November 2006
Not the usual me.Very Cheesy.
BABALA! Kung hindi mo alam ang ibig sabihin ng slang na "cheesy", hindi tayo magkakaintindihan. kaya ipagtanong mo muna. wag sa kin, dahil hindi ko rin masabi yung exact definition. [Hint: hindi yun bastos tulad ng horny. at wag ka ring pilosopo, dahil hindi rin nun ibig sabihin ang maraming pasteurized cheese]
isa na yata ito sa mga pinaka-cheesy na blog entry na makikita nio sa site na ito.
ewan ko ba.wala kasi ako makausap, tapos ambigat ng kalooban ko.
sabi ko sa sarili ko, ang blog ko today ay tungkol sa pagcocommute at gobyerno.kaso, sabi ng konsensya ko, gumawa ako ng requirements. na maigi ko naman sinundan, when i suddenly came across something. [bakit ba kasi ang usisera ko.] Kaya ngayon, kesa gumagawa ako ng requirements, nagbblog ako.siya kasi.
mahirap ipaliwanag.
sabi ko sa sarili ko, wala na.WALA NA.pero bakit parang nasasaktan ako.[takte.cheesy. pasensya na, i may be a kikay type, but i'm really not into public discussion of lovers' love. para sa kin, 'pag sa 'kin nanggaling, cheesy un. ang kilig moments ay ibinabahagi ko lang sa mga taong malapit sa kin.]
Alam nio bang masaya ang walang attachments at walang prospect? oo. makes your life more enjoyable. kaso, biglang naglaro ang tadhana. [cheesy line]. disclaimer: hindi ako in love. yun na yun e, hindi pa nga totoo nagkakaganito na ko. grrrrr.
E bakit nga ba ako nagkakaganito? Kasi makasarili ako, kahit na alam ko namang kahit kailan, he'll never look my way. [CHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEsy to the highest level]
Pinahihirapan mo ko, alam mo ba.Siyempre hindi mo alam dahil manhid ka. O, hindi ba? Baka naman tanga lang ako. [mas probable ata ito kahit wala naman koneksyon ang katangahan ko sa numbness mo.]
speaking of numb, intermission lang sandali. STR reporting kanina, sabi ni Sir Taf kay Cindy, "Kanina pa kaya ako andito, numb ka ba?"
Cindy [defensive]: "Sino numb? Ako?!"
Cindy [pabulong sa kin]: "Numb? Di ba tanga yun?"
Ako [thinks]: "Bwahahahahahahahahahahaha! HahaHahaHahaHahaHahaHahaHahaHaha!"
I love you, Cindy. Ang husay mo sa reporting kanina, pati ikaw Mariel. Ang sarap sabihing ako rin. [Hindi ako fishing]
Ok, back to the cheesy topic. Dapat ko bang hilingin na sana makalimutan na lang kita? Buti nga kung ganun lang yun kadali. Kaso hindi. HINDI! Bakit? Hindi ko rin alam, maybe because I've become so fond of you that it won't be complete without you. [c-h-e-e-s-y!] Take note, i said "it" not "I". OA naman kung sabihin kong hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Excuse me, hindi ka oxygen. [corny.]
Wala nang pinapatunguhan ang lahat.Dahil sa'yo.
Dahil sa'yo...
...hindi ako makapag-practice ng elocution.
...hindi ako makagawa ng Physics homeworks.
...hindi ako makapagsulat ng article.
...hindi pa ako natutulog.
...nagsasayang ako ng oras kasusulat ng walang kwentang entry.
...napaka-cheesy ko ngayon.
At hindi ko na hahabaan pa ang cheesy moments ko.i don't want to leave so much for a trace of shame.Hanggang dito na lang.
At sana, pati ang nararamdaman ko ay hanggang dito na lang. Kung pwede lang sana.
Hindi ka nakakatulong.
Mabuti pa si Jason [Gaguan], laging nandiyan para payuhan akong, "Love sucks".
Jason, malapit mo na kong mapaniwalang LOVE SUCKS.
Ilang beses ko nabanggit ang cheesy sa entry na ito [not including the one in this line]: 9
tama ba? Reply ka na lang kung namali ako ng bilang.