Saturday, 25 October 2008

21 selected reasons why BOB ONG should be the president of the Philippines

(ripped it off from Neil Miranda who ripped it off from someone else.)

1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang." 

8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority." (Kung may gustong sabihin ang CRS, ito na 'yun)

14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala” 

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan” 

18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!" 

19. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."

20. "Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

21. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."

Naaamaze talaga ako sa kanya. I highlighted the ones I like the most...'yung mga pilit kong isinasaksak sa kokote ko.

Tuesday, 14 October 2008

Nakakairita/Nakakalungkot na Article about Pisay's supposed incompetence

from the site: http://yoopee.multiply.com/journal/item/4585/letter_to_pisay

Ito 'yung kinomment ko:

"Naisip mo rin ba how much you've failed to let Pisay shape you?

I am a Pisay-Diliman graduate,and proud of it because I valued every single Pisay moment I had. Tried to learn as much from them. Your rationalization was simply unfair, as if Pisay didn't even lift a finger to educate you socially. You make it sound like all Pisay cared about was science.

I feel sorry for you that you weren't able to maximize the potential of Pisay. Were you expecting the school to spoonfeed you the issues and how to react to these issues? Dun pa lang,immature na ang approach mo.

I am also a UP student now,pero hindi ako na-culture shock, and I owe that to Pisay.

You say that the main factor why we choose our courses is money.

Have you tried counting how many Pisay graduates are in the academe? Ilang teachers sa Pisay-Diliman ang alumni? Ilang UP professors/instuctors/lecturers ang Pisay graduate? And if you say they're after monetary incentives...I don't know what to say anymore.

Your batchmates are not the only representative of the Pisay community. For almost 50 years, Pisay has been shaping scholars of the nation...for the nation. It's unfair for the other alumni who are socially bred otherwise.

Try watching Pisay the Movie by Aureus Solito (a Pisay-Diliman graduate), baka ma-enlighten ka.

I am happy for you na may natutunan ka from your Socio10 class. But I pity you dahil wala kang natutunan sa Pisay.

'Wag mo na lang ipagkalat na Pisay graduate ka...respeto na lang sa 'min."

 

Inulan ng comments 'yung blog nya. Bakit kaya. Haha.

Marami pa sana akong gusto i-point out sa kanya e:

1) The meaning of nationalism and its relation to activism. Hindi ibig sabihin na kapag hindi ka aktibista, hindi ka nationalistic/patriotic. Ganun din kung wala ka sa bansa. Others seek higher income to establish themselves first. Para magkaron ng boses,ika nga. ('Wag nyo kong awayin, let's face reality, pinipili ang pinapakinggan.)

2) Hindi lang sa science magaling ang Pisay. E ang bobo ko nga sa Science at Math (lalo na) e. Pero lahat ng GE ko 1.75 and above. Hehe. Mayabang. (Majors ko.. 2.00 and below. Hahahaha). 'Yung mas magandang proof dito.

Ma'am Bea Torre - Pisay Batch 2000, instructor ko ng SocSci3. Brilliant mind.

Ma'am Jamasali - Pisay Batch 1997 (ayan,binago ko na. Ü), one of the best English teachers sa Pisay-Diliman

Aureus Solito - Pisay Batch 1985 (or '86?), accomplished director. Has won numerous awards for his films both here and abroad.

Atom Araullo (nag-google pa ako para sa spelling ng apelyido nya) - Pisay Batch 2000, TV host, journalist, activist.

Arnee Hidalgo - Pisay Batch 1990ish, singer

Jeffrey Hidalgo - Pisay Batch 1990ish, singer, actor

Gen. Hermogenes Esperon - Pisay Batch 1970ish, Armed Forces of the Philippines Chief of Staff

Ivy Razel Ventura - Pisay Batch 2007, princess

Ano pa bang proof gusto niya.

3) Hindi direct ang pagmumulat ng Pisay sa students about nationalism and socialism. Tama at may SocSci at Val. Ed tayo. At ayon pa nga sa isang paslit na nagreply dun sa nakakairita/nakakalungkot na blog...may dyaryo daw tayo sa library. (Tanong mo naman kung ilan nagbabasa,'pag hindi required)

Hindi ako nagbabasa ng diyaryo routinely. Pero hindi ibig sabihin wala akong pakialam. Ayoko lang binobother ang sarili ko sa mga bagay na wala naman akong magagawa. (ie. pagtaas ng presyo ng gas,bigas,baboy,baka,laman ng tao; corruption, etc.) Pero dun sa mga bagay na may magagawa ako, I don't stay mum. At alam 'yan ng mga taong nakapaligid sa 'kin.

Tsaka 'yung sinasabi ng iba ng dahil tinambakan tayo ng science and math subjects, parang na-hihinder tayo na makialam sa isyu ng bansa. I beg to disagree. Pag-isipan ninyong mabuti, strategic ang lahat ng kalokohan na pinaggagagawa sa 'tin sa Pisay.

Ayun. 'Yan lang 'yung nasa isip ko ngayon.

Monday, 13 October 2008

Kakaibang trip ng mga tao lately.

Alam na ng lahat ang masayang kwento ng Friday ko (clue: kidnap).

Nung Sabado, atat na atat na ako manood ng Mirrors. Pero dahil horror 'yun at magandang horror (which translates to: nakakatakot talaga) daw ayon sa mga nakanood na, ayaw ko manood mag-isa. Nagtext ako ng mga tao para sa samahan ko--mula sa high school friends, college friends, orgmates hanggang brothers. Umabot ako ng mahigit isandosenang tao na kinulit. Ni isa, walang nagpakulit.

(commercial: Akala ng mga tao, may koneksyon pa rin sa Friday events kung bakit nag-aaya ako out of the blue. May I just say, once again. Hindi ako problemado./end of commercial)

To make matters better (or worse?), nagawa ko lahat ng target sked ko for the day: nakapagwork ako, naka-attend ng orientation, naka-bisita sa mga dapat bisitahin. Lahat, as I planned it. Handang-handa na ako manood ng sine. Kahit wala akong nahila manood with me, nagpunta pa rin ako ng SM (may bibilhin ako). Out of curiosity, chineck ko kung anong oras next showing ng Mirrors (umasa pa rin ako na may makikita akong kakilala na gumagala sa SM at mauuto ko na manood with me). 6:45pm. Anong oras nung moment na yun? 6:30pm. Isang napakalaking WTF.WTH.WTW ("what the whatever".sariling pauso.nararamdaman kong masusundan ng wtw ang success ng "kamote".)

Nag-move on na ako dahil may mga nagpangako na sasamahan nila ako ng Sunday.Kala nila 'di ko sila papatulan ha.

Well, balon. Napanood ko na, thanks to Ivan. At hindi ako makapag-salamin ngayon. Baka maghiwalay mandibles ko (if you know what I mean).

Today naman..Monday. Hobby ng mga tao na paghintayin ako. Tumataginting na tatlong oras and counting.

What's with the world.

WTW.