Knowing how the road will turn doesn't necessarily mean you can't enjoy the ride.
Wednesday, 19 November 2008
Nasa iyo ba ang flash disk ko?
DESCRIPTION:
Brand: Apacer
Color: Blue
Mahaba 'yun than the normal flash disks
CONTENTS: A lot (ie. Chem 28.1 files, PACS files, etc). 512MB ata 'yun.
100% sure ako na may nanghiram nun nung patapos na ang 2nd sem. Malamang kaibigan ko ang nanghiram para pumayag ako.
HINDI KO LANG MAALALA KUNG SINO.
And it's starting to get to my nerves.
Sana nag-iisip na kailangan ko rin 'yun diba.
Kung ikaw man ang magsasauli nun, mag-sorry ka with all sincerity.
I-BROADCAST NINYO ITO.
Dahil ma-fe-friendship over 'yung tao na 'yun 'pag umabot ang December at wala pa sa akin ang flash disk ko.
Tuesday, 11 November 2008
for my half-sister
I know that this is super late.I'm so sorry.
HAPPY 18TH BIRTHDAY!!
Kahit wala kami dyan sa Germany para baklain ang debut mo, I sincerely wish you had the SEXIEST birthday ever! You know that we all love you and miss you bigtime! We hope to see you soon! Mwahugs!
Saturday, 25 October 2008
21 selected reasons why BOB ONG should be the president of the Philippines
(ripped it off from Neil Miranda who ripped it off from someone else.)
1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."
2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."
7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."
11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."
12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."
13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority." (Kung may gustong sabihin ang CRS, ito na 'yun)
14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."
15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”
17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”
18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
19. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."
20. "Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
21. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."
Naaamaze talaga ako sa kanya. I highlighted the ones I like the most...'yung mga pilit kong isinasaksak sa kokote ko.
Friday, 24 October 2008
Tuesday, 14 October 2008
Nakakairita/Nakakalungkot na Article about Pisay's supposed incompetence
from the site: http://yoopee.multiply.com/journal/item/4585/letter_to_pisay
Ito 'yung kinomment ko:
"Naisip mo rin ba how much you've failed to let Pisay shape you?
I am a Pisay-Diliman graduate,and proud of it because I valued every single Pisay moment I had. Tried to learn as much from them. Your rationalization was simply unfair, as if Pisay didn't even lift a finger to educate you socially. You make it sound like all Pisay cared about was science.
I feel sorry for you that you weren't able to maximize the potential of Pisay. Were you expecting the school to spoonfeed you the issues and how to react to these issues? Dun pa lang,immature na ang approach mo.
I am also a UP student now,pero hindi ako na-culture shock, and I owe that to Pisay.
You say that the main factor why we choose our courses is money.
Have you tried counting how many Pisay graduates are in the academe? Ilang teachers sa Pisay-Diliman ang alumni? Ilang UP professors/instuctors/lecturers ang Pisay graduate? And if you say they're after monetary incentives...I don't know what to say anymore.
Your batchmates are not the only representative of the Pisay community. For almost 50 years, Pisay has been shaping scholars of the nation...for the nation. It's unfair for the other alumni who are socially bred otherwise.
Try watching Pisay the Movie by Aureus Solito (a Pisay-Diliman graduate), baka ma-enlighten ka.
I am happy for you na may natutunan ka from your Socio10 class. But I pity you dahil wala kang natutunan sa Pisay.
'Wag mo na lang ipagkalat na Pisay graduate ka...respeto na lang sa 'min."
Inulan ng comments 'yung blog nya. Bakit kaya. Haha.
Marami pa sana akong gusto i-point out sa kanya e:
1) The meaning of nationalism and its relation to activism. Hindi ibig sabihin na kapag hindi ka aktibista, hindi ka nationalistic/patriotic. Ganun din kung wala ka sa bansa. Others seek higher income to establish themselves first. Para magkaron ng boses,ika nga. ('Wag nyo kong awayin, let's face reality, pinipili ang pinapakinggan.)
2) Hindi lang sa science magaling ang Pisay. E ang bobo ko nga sa Science at Math (lalo na) e. Pero lahat ng GE ko 1.75 and above. Hehe. Mayabang. (Majors ko.. 2.00 and below. Hahahaha). 'Yung mas magandang proof dito.
Ma'am Bea Torre - Pisay Batch 2000, instructor ko ng SocSci3. Brilliant mind.
Ma'am Jamasali - Pisay Batch 1997 (ayan,binago ko na. Ü), one of the best English teachers sa Pisay-Diliman
Aureus Solito - Pisay Batch 1985 (or '86?), accomplished director. Has won numerous awards for his films both here and abroad.
Atom Araullo (nag-google pa ako para sa spelling ng apelyido nya) - Pisay Batch 2000, TV host, journalist, activist.
Arnee Hidalgo - Pisay Batch 1990ish, singer
Jeffrey Hidalgo - Pisay Batch 1990ish, singer, actor
Gen. Hermogenes Esperon - Pisay Batch 1970ish, Armed Forces of the Philippines Chief of Staff
Ivy Razel Ventura - Pisay Batch 2007, princess
Ano pa bang proof gusto niya.
3) Hindi direct ang pagmumulat ng Pisay sa students about nationalism and socialism. Tama at may SocSci at Val. Ed tayo. At ayon pa nga sa isang paslit na nagreply dun sa nakakairita/nakakalungkot na blog...may dyaryo daw tayo sa library. (Tanong mo naman kung ilan nagbabasa,'pag hindi required)
Hindi ako nagbabasa ng diyaryo routinely. Pero hindi ibig sabihin wala akong pakialam. Ayoko lang binobother ang sarili ko sa mga bagay na wala naman akong magagawa. (ie. pagtaas ng presyo ng gas,bigas,baboy,baka,laman ng tao; corruption, etc.) Pero dun sa mga bagay na may magagawa ako, I don't stay mum. At alam 'yan ng mga taong nakapaligid sa 'kin.
Tsaka 'yung sinasabi ng iba ng dahil tinambakan tayo ng science and math subjects, parang na-hihinder tayo na makialam sa isyu ng bansa. I beg to disagree. Pag-isipan ninyong mabuti, strategic ang lahat ng kalokohan na pinaggagagawa sa 'tin sa Pisay.
Ayun. 'Yan lang 'yung nasa isip ko ngayon.
Monday, 13 October 2008
Kakaibang trip ng mga tao lately.
Alam na ng lahat ang masayang kwento ng Friday ko (clue: kidnap).
Nung Sabado, atat na atat na ako manood ng Mirrors. Pero dahil horror 'yun at magandang horror (which translates to: nakakatakot talaga) daw ayon sa mga nakanood na, ayaw ko manood mag-isa. Nagtext ako ng mga tao para sa samahan ko--mula sa high school friends, college friends, orgmates hanggang brothers. Umabot ako ng mahigit isandosenang tao na kinulit. Ni isa, walang nagpakulit.
(commercial: Akala ng mga tao, may koneksyon pa rin sa Friday events kung bakit nag-aaya ako out of the blue. May I just say, once again. Hindi ako problemado./end of commercial)
To make matters better (or worse?), nagawa ko lahat ng target sked ko for the day: nakapagwork ako, naka-attend ng orientation, naka-bisita sa mga dapat bisitahin. Lahat, as I planned it. Handang-handa na ako manood ng sine. Kahit wala akong nahila manood with me, nagpunta pa rin ako ng SM (may bibilhin ako). Out of curiosity, chineck ko kung anong oras next showing ng Mirrors (umasa pa rin ako na may makikita akong kakilala na gumagala sa SM at mauuto ko na manood with me). 6:45pm. Anong oras nung moment na yun? 6:30pm. Isang napakalaking WTF.WTH.WTW ("what the whatever".sariling pauso.nararamdaman kong masusundan ng wtw ang success ng "kamote".)
Nag-move on na ako dahil may mga nagpangako na sasamahan nila ako ng Sunday.Kala nila 'di ko sila papatulan ha.
Well, balon. Napanood ko na, thanks to Ivan. At hindi ako makapag-salamin ngayon. Baka maghiwalay mandibles ko (if you know what I mean).
Today naman..Monday. Hobby ng mga tao na paghintayin ako. Tumataginting na tatlong oras and counting.
What's with the world.
WTW.
Tuesday, 29 July 2008
Get-together with the Prelate of Opus Dei
Last July28, I attended the get-together with the Prelate of Opus Dei, Bishop Javier Echevarria (whom we lovingly call "the Father"). It was held at Teatro Aguinaldo, the same venue where we watched Ibong Adarna back in high school.
This event, though may not be once in a lifetime, is a landmark...would-be part of history. So, I'll try to keep it detailed as possible.
Kwento.
My friend, Vanessa, told me, that the service bus leaves Tanglaw (the University Center along Examiner St.) at 1.30pm. So I arrived 1.41pm. Fortunately, the bus was still there, waiting for more girls to arrive.
According to the ticket, the gate opens at 2.45pm. And the seats are at a first come-first served basis.We arrived at the venue around 2:15pm. There was already a long queue. The event was to be attended by all interested girls who come to receive spiritual formation in the centers of Opus Dei. So, more people were expected to arrive.
The people were allowed to get in at exactly 2.45pm. This is what I love about Opus Dei, the way people value time. We were able to get decent seats. But lo and behold, the event was really to start at 4:45pm. So we had to wait for 2 more hours. We tested our FM transistors (the Father would be speaking in Spanish, so there will be a translation at a certain station.Very amazing.)
Close to 4.45pm, I went to the bathroom, and I saw that there were a lot of girls who weren't able to get seats inside the theater itself. So, they would just have to watch through an LCD screen.
I was literally having my countdown to 4.45. I was very excited to see the Father. And when he finally entered the theatre, (his entrance was focused in the big screen), I really felt like crying. It sent goosebumps all over me, overflow of grace, I guess. So that was what it felt like to be in the presence of a saint.
You see, the Father is already 76 years old. At that age, people don't normally travel halfway across the globe, country-hopping, and being into different timezones every week. So I really admired his strength to come and inspire his daughters.
The get-together itself went like this: the Father gave a long statement to ponder, then he entertained (pre-selected) questions (not necessarily connected to what he said) before giving his blessing.
It was very difficult to concentrate. I wanted to study his gesture, gaze at his face, hear his voice, and understand what he was saying. But since I don't speak Spanish, it's either I listen to the sound of his voice or I listen to the translation. To make all ends meet, at various instants I compromise other things. Sometimes I would just listen to his voice with perfectly no idea what he was saying, or sometimes I just stared at him in amazement.
The Father is truly an amazing person. It was such an honor for me to have met him in person, and to be part of the biggest all-women gathering I've seen in my life (so far). (It's safe to say that all the beautiful girls of the Philippines were in Teatro Aguinaldo with the Father that day. )
PS. I'm not a member of Opus Dei. That's one of the most frequently asked questions about me.
Saturday, 5 July 2008
Chem 28.1 notes Part 2
Mike! Umulit ka na naman!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Rarrrr!! Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!! Gusto mo lamunin kita ng buhay next meeting?!!!
Hahahaha. Joke lang, Mikee. Alam mo namang mahal na mahal kita e.Ayaw mo lang tanggapin dahil nahihiya ka. Hahaha. Itu-turn down ko na nga ang marriage proposal ni Prince Harry para sa iyo e.
Charos!
Hahahaha.
Nag-overtime kami sa lab, dahil.... ma-trabaho ang experiment na nagrequire sa 'min na:
Add 150 mL ammonia, dropwise...SLOWLY..
Punyemas 'yan. Para sa mga 'di nakakaalam.. 1mL=20 drops!!!!!!
For that, sumakit nang todo ang ulo ko pagkatapos ng experiment. Ikaw ba naman ang isang oras na lumanghap ng 2M ammonia e.
At the very least, 30mins lang ang overtime namin ('di tuloy nakapag-quiz si Sir Glen sa kanyang Masters class na 5:30 ang start dahil 6pm na natapos ang lab.hehe.wawa naman.) E 'yung nauna nga sa 'min e 1hour ang overtime!! Kamusta naman yun? Hahahaha!
Ang saya ng analytical chem.hehehe.
Ang Masayang Kahapon (literally!)
Masaya ang kahapon ko:
1) Dapat hindi ako pupunta ng Pisay.Kaso, kailangan daw ni Sir Nat ang mga exhibit materials para sa NSTW na nasa akin.Kaya kahit umuulan, run naman ako sa Pisay.
2) Nakaladkad ako sa TriNoma nila Sir Duli, Sir Fil, at ni Sir Daj (bagong PE teacher, para sa mga 'di nakakaalam).
3) Nalaman kong sobrang mas mura pala sa Office Warehouse (nasa Landmark sa TriNoma).At na-discover kong may Barrel Woman pala! Sa mga inosente, 'yung Barrel Man ay 'yung carved wood na lalaking may suot na keg, tapos 'pag tinaas mo 'yung keg/barrel, mag-he-hello sa'yo ang pagkalalaki nya.hehehe.Bahala na kayo mag-imagine kung ano ang mag-he-hello sa Barrel Woman.
4) Pagbalik namin ng Pisay, nam-bully muna ako ng mga COCs at MPs ata sila.Hehe.
Eksena:
<Inang Mother papuntang field.Tapos hinarang ng MP..>
MP: Ma'am, bawal pong dumaan dito.
Ako: Cadette 2nd Lieutenant Ivy Razel Bernardo Ventura, Batch 07.
<Tumabi siya.Hahahaha!>
5) Nag-acquaintance party ang mga aplikante namen. Out of 28 na nag-sign up, tatlo lang ang sumulpot (maraming excuses 'yung iba). Therefore, piyesta ang mems at alumni! Hahaha.Salamat, Execom at Memcom!
6) Nag-practice ang Mean Girls para sa debut ni Pretty Face Nikki. Hahaha. Ang hirap ng dance step ni Irish! Dinner sa Yellow Cab habang nagsa-sight-seeing ng mga pwede.Hahahaha! Wala kasi masyado sa UP! Hahahahaha!
7) A good night's sleep.
Ang saya talaga ng kahapon. I missed the Mean Girls so much (Hugs and Kisses plus all my love to you, girls!). Pati Pisay. Hehehe.
Sir Duli: Ibigay mo na sa akin ang iTrip! hahaha. Wala ka namang iPod e. Hehehe. Joke lang.
Thursday, 26 June 2008
Emotions running high,yet very stable.
Kahapon ng umaga, nung pasakay na ako ng Ikot jeep. May naisip lang ako:
Mabuhay nang masaya. Lasapin ang sarap ng buhay. Kung masyadong matamis, uminom ng tubig. Kung masyadong mapait o maasim, lagyan ng patis. Kung sobrang anghang, uminom ng gatas.
Diba?
******************************************
Dahil may chem28.1 notes si colleen, my ever-dearest-and-sexy lab partner, meron din ako:
<sa lab>
Sir Glen: O, wala lang akong mababalitaang natapon na sample ha. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
Razel: <petiks sa pag-handle ng lecheng crucible, nang...nahulog ang sinumpang crucible!!! pati ang laman na sample.Buti na lang hindi sa loob ng dessicator natapon. But still.>
Mike: Sir, natapon po 'yung sample nila Razel.
Razel: <Thanks, Mike.>
Mike: <hinawakan ang cover ng crucible> O, ok lang na hawakan mo na 'yan. Uulitin nyo rin naman e.
Razel: <OMG. It took us 2 meetings to prepare this shit. And why are you holding the darn cover?>
Sir Glen: <shows up> O, natapon ba lahat?
Razel: Hindi po, Sir. Marami pa pong natira.
Sir Glen: O sige, weigh nyo na lang uli tapos yan na yung gamitin ninyong weight of sample.
Razel: <horrified.Mike, may moisture na mula sa fingerprints mo yung cover ng crucible namin.>
Anyway,despite everything, I would like to extend my utmost appreciation to Mike Arteza. Napaka-thoughtful mong tao kahit pinagpipilitan mong temporary lang ang kagandahan ko. SALAMAT dahil...
-nilibre mo kami ng vial.
-pinunasan mo yung natapon kong sample sa gilid ng dessicator.
-matapos kong mag-acrobatic skills sa paglalagay ng crucible sa oven, hinintay mo kaming umuwi.
-pinapatawa mo ako 'pag 28.1.
-isa ka sa mga rason bakit ayaw kong mag-miss ng 28.1.
-after ng lahat ng chorvang ito,tatanggapin mo nang boundless ang kagandahan ko.
hehe.
Saturday, 9 February 2008
Sinampal ko si Albert Einstein kasi ang pangit ng palabas sa TV
Piliin ang buwan ng iyong kaarawan
January- Pinatay ko si
February- Natulog ako katabi si
March- Naki one night stand ako kay
April- Tiningnan ko si
May- nag-ochoocho ako kasama si
June- Mahal ko si
July- Tinawanan ko si
August- Sinaksak ko si
September- Dinuraan ko si
October- Sinampal ko si
November- Sasapakin ko si
December- Kakagatin ko si
Tapos, piliin ang araw ng iyong
kapanganakan
1. Gloria
2. Erap
3. Fidel Ramos
4. Kuya Germs
5. Mahal
6. Ping Lacson
7. Miriam Santiago
8. Blak Dyak
9. Nur Misuari
10. Pong Pagong
11. Aga Mulach
12. Mike Enriquez
13. Rustom Padilla
14. Angel Locsin
15. Ruby Rodriguez
16. Kiko Matsing
17. Ruffa Guttierez
18. Franklin Drilon
19. Willie Revillame
20. Mark Herras
21. Susan Roces
22. Nora Aunor
23. Ely Buendia
24. Winnie Monsod
25. Asi Taulava
26. Albert Einstein
27. Rosanna Roces
28. Willie Garte
29. Aiza Seguerra
30. Dora the Explorer
31. Cookie Monster
Ngayon, kunin ang ikatlong letra ng
iyong apelyido
A- kasi gutom ako
B- kasi wala akong magawa
C- Kasi luma na sapatos ko
D- kasi ang pangit nung nakasakay ko sa
dyip
E- kasi summer na
F- kasi meron akong kulangot
G- kasi di ako nakapagbasa ng dyaryo
H- kasi idineklara yung state of emergency
I- kasi buntis yung kapitbahay ko
J- kasi talo sa sugal tatay ko
K- kasi wala akong pera
L- kasi andami kong labahin
M- kasi lilindol sa isang taon
N- kasi ang pangit ng palabas sa tv
O- kasi siksikan sa lrt eh
P- kasi dumaan yung crush ko
Q- kasi pinalitan yung tanod ng barangay
sa lugar
namin
R- kasi hindi malamig yung tubig sa ref
S- kasi sawa na ako sa buhay ko
T- kasi di ako marunong magbike
U- kasi lasing ako
V- kasi puyat yung aso ko
W- kasi naglinis ako ng bahay kanina
X- kasi mahilig ako sa sex
Y- kasi andaming tao sa SM
Z- kasi mahaba na buhok ko sa kili-kili
senseless..pero wala lang talaga.