This is the story my eventful Thursday (August 13, 2009). Infairness, hindi lang ako ang na-stess nang bongga nung araw na ito. Marami kami. Haha.
Anyway, background info. Ang sked ko kapag TTh ay 7-5.30. Pero, hindi pa talaga nangyari na na-haggard ako nang bonggang bongga dahil late nagsisimula ang 34.1 (7-10) at tsaka wala pang experiment. Tapos minsan pa nga free day sa 153.1 (1-4).
Nung Tuesday, nagexperiment na sa 34.1 (Carbohydates), pero chicken lang. Tapos free day sa 153.1 dahil katatapos lang ng [undoable] exam ng Monday. So, 'di ko pa rin nararamdaman ang haggards mode.
But no. Nung Thursday...Bawing bawi.
Kwento:
7:30am ang experiment. Pero 7.30am ay nasa bahay pa ako. So late ako. 8am ako dumating. Infairness, ambilis ng byahe. Partida, nagpaprint pa ako ng pre-lab sa Philcoa.
Pagdating ko, nagsisimula na. Dun daw kami sa reflux setup. Dahil may shortage ng rubber tubing, nagvolunteer kami ni Carlos na bumili kay Mang Mon. Sa hinaba-haba ng nilakad namin, nag-melt na raw ang mga rubber tubing ni Mang Mon. Anak ng *bleep*. At wala ring pakalat-kalat na rubber tubing sa tambayan. So bumalik na kami ni Carlos. Pero para naman hindi masayang ang effort namin, bumili na lang kami ng food.
Pag-akyat namin, sakto. Nakita namin si Rainier, nag-open ng isang locker...at may nahugot siyang mahabang rubber tubing. PUSSYCAT!!!! E kung naghanap pala kaya muna sya. Hahaha. Pero 'di bale, at least nakapag-breakfast naman ako kahit pa on-the-go. Nakakatuwa nga yung inumin e. Pareho ng percentage ang juice at nata de coco. Haha. Ang sarap. Tig-25% sila, ayon dun sa Nutrition Facts. Nakalimutan ko 'yung brand.
Tapos, inaasikaso na namin ang reflux setup. Habang abala si Jared, at nagbabantay si Isay malapit sa hot plate, nagkkwentuhan kami nina Carlos sa pinto. Nang biglang....PSSSS!! Sumabog ang reflux setup. HAHAHAHAHA. Parang rocket launch! So cool. Pero 'yung moment na 'yun, nag-panic pa muna kami. At nagtakbuhan kaming lahat habang sumisigaw nang: "Ahhhhhhhh!!! Ma'am! Ma'am!". At walang may gusto magpatay ng hot plate. Haha.
Infairness, nabuo pa rin ang sabon. ('yun yung tina-try namin i-synthesize). Kamote. E pa-reflux reflux pa sila for at least 30 minutes. Pasasabugin lang pala 'yung setup e. Instant synthesis. Hahaha.
Tapos gumagawa na kami ng sabon the other way. Grapefruit flavor, carwash scent. Haha. So cool. Bumubula naman siya. At ang cool ng "hard-to-reach-area-specific" na sabon. Hahaha. Inside joke. Napag-alaman rin namin na pag nilagay mo sa metal mold ang mixture, hindi sya mabubuo. Maghihiwalay ang oil at lye para mag-react sa metal ang lye. Resulta? Luminis yung metal mold! Nakagawa kami ng instant metal detergent. Hahaha.
Nasagad namin ang oras. Past 10am na kami nakaawas. Naglunch from 10-11.30. Tapos Archaeo2. Holy Smokes. 85% lang ako. At sagad rin sa oras ang lecture ni Sir. So na-late ako sa 153.1. Pagdating ko dun, 5 minutes left na lang dun sa bonus problem para sa [undoable] exam. E di nagpretend pa rin ako...pero...wala pala akong sci cal. Potek. So goodbye 10 points. Ni-rewrite ko lang ang tanong dun sa yellow pad ko. Sayang ang papel.
At nagsimula na ang madugong experiment. LVE at MT ang experiments, so hinati ang class sa dalawa. Yung MT, may phenol involved, so bawal sila lumapit. SOBRANG haba ng procedure! Napaka-raming dapat i-thouroughly dry. Bestfriends na kami ng dryer. Bwiset. 3pm na, hindi pa kami tapos mag-set up. Tapos semi-basag pa yung condenser namin. To the rescue na nga sina Sir Thomas at Sir Shem dahil sa super abysmal behavior ng dalawang experiment.
May class ako ng 4pm-5.30. So nagpaalam na akong umalis. Sabi ko, babalik na lang ako after ng class. Tapos, ayaw nilang tanggapin sa sarili nila ang possibility na after 1 and a half hours ay nandun pa sila. Haha. But no..Andun pa nga sila after ng Math55 ko.Haha.
Naawa naman ako sa min. Haha. Yung MT group, 15 minutes lang ang extension. Nung nalaman ko ito, 30 minutes na ang extension namin and counting. Ang nasabi na lang ni Ma'am: "Forever's not enough."
Haha. Mga 7pm na kami natapos. Nagpakain si Ma'am ng maraming chips at nanlibre si Roy ng C2. Yehey. Salamat sa inyo!!
Haggard!
PS. All throughout this time, hindi tumigil si Daben sa kanyang Phoenix mode. Haha!
Nung hinahanap nga siya ng mga tao, hindi "Asan si Daben?" ang tanong e, kundi:
"NASAN 'YUNG PHOENIX?"
Adik.
7-12:30 rin kami nung Thursday sa LVE. Nakatulog na ako lahat-lahat sa STS, pagbalik ko ng Chem, di pa rin kami tapos.
ReplyDeleteAt, kami ata ang nakabasag ng condenser, kasi may crack na sya nung ginamit namin pero binalik naming walang basag, as far as we know.
panalo :))
ReplyDeletekami din eh ginutom nga kami sa tagal ng LVE. hahaha.
Wala na tayong ginawa kundi kumain, magpretend at kumain then magpretend. :))
ReplyDelete