Monday, 24 August 2009

Some Survey to escape boredom

grabbed from ate arizza.

(may dalawang FR at critique paper akong dapat ginagawa. But no...can't convince myself to work)

1. WERE YOU NAMED AFTER ANYONE?

Yeah. Parents, and maternal grandparents. Pinagsama-samang pangalan nila.

2. WHEN WAS THE LAST TIME YOU CRIED?
nung isang araw. 4 days ago ata. Dahil sa movie.

3. DO YOU LIKE YOUR HANDWRITNG?
Yes. Maganda handwriting ko e. Haha. Relative sa Kuya ko.

4. WHAT IS YOUR FAVORITE LUNCHEON MEAT?
Ma-Ling?

5. DO YOU HAVE KIDS?
Wala. Matagal-tagal pa.

6. IF YOU WERE ANOTHER PERSON, WOULD YOU BE FRIENDS WITH YOU?
Matatakot muna ako at first. Pero 'pag inapproach ko na 'yung "another person" na ako rin, siguro magiging friends kami. Haha.

7. DO YOU USE SARCASM?
All the time. Haha. Euphemistic sya in a way.

8. DO YOU STILL HAVE YOUR TONSILS?
Oo naman.

9. WOULD YOU BUNGEE JUMP?
I would really love to. Nasa 100 things to do before I die ko ito.

10. WHAT IS YOUR FAVORITE CEREAL?
Honey Flakes ba yun? 'Yung glazed version ng Corn Flakes.

11. DO YOU UNTIE YOUR SHOES WHEN YOU TAKE THEM OFF?
Depende. If I tied too well, hindi ko matatanggal ang shoes unless I untie it first. Pero kung hindi naman, why bother. Haha.

13. WHAT IS YOUR FAVORITE ICE CREAM?
Chocolate. Pistachio.

14. WHAT IS THE FIRST THING YOU NOTICE ABOUT PEOPLE?
Face.

15. RED OR PINK?
Pink.

16. WHAT IS YOUR LEAST FAVORITE THING ABOUT YOURSELF?
Mataba ako. (may ganung insecurity?haha)

17. WHO DO YOU MISS THE MOST?
Kaharian.

18. DO YOU WANT EVERYONE TO COMPLETE THIS LIST?
No.

19. WHAT COLOR PANTS AND SHOES ARE YOU WEARING?
I wear nothing. Joke. Pants, always maong. Shoes, white.

21. WHAT ARE YOU LISTENING TO RIGHT NOW?
None. Kanina, marami.

22. WHAT COLOR CRAYON ARE YOU?
Carnation pink. Maganda pangalan.

23. FAVORITE SMELLS?
Davidoff Cool Water for Men
Life (for women) by Esprit
Curve (for men) by Ralph Lauren
White Musk by The Body Shop
Dreams by Victoria's Secret

Ang dami noh? May mga nakalimutan pa ako nyan.

24. WHO WAS THE LAST PERSON YOU TALKED TO ON THE PHONE?
si Jazzy. Business.

25. HOW DO YOU KNOW THE PERSON WHO SENT THIS TO YOU?
Orgmate.

26. FAVORITE SPORTS TO WATCH?
Volleyball. Kasi alam ko 'yung rules. 'Pag Olympics, ice skating, gymnastics, diving, at synchronized swimming.

27. HAIR COLOR?
dark brown ata ito. pero looks black to me.

28. EYE COLOR?
dark brown

29. DO YOU WEAR CONTACTS?
Yes.

30. FAVORITE FOODS?
Pinoy, Japanese, Italian cuisines.

31. SCARY MOVIES OR HAPPY ENDINGS?
I don't like happy endings. Period.

32. LAST MOVIE YOU WATCHED?
Sa sinehan, And I Love You So. Sa laptop, inulit ko 'yung Dead Like Me.

33. WHAT COLOR SHIRT ARE YOU WEARING?
Gray.

34. SUMMER OR WINTER?
Summer. I love the sun.

35. HUGS OR KISSES?
Haven't tried kisses.

37. DESCRIBE YOUR PENCIL CUP.
Ohh. I have two. Both are mugs. One is green, shaped like a beehive, doesn't have handle. Another is black, with my personalized name.

38. FAVORITE ARTIST(s)?
Rihanna, Beyonce. I like total performers.

39. WHAT BOOK ARE YOU READING NOW?
None. Still finding a good book.

40. WHAT IS ON YOUR MOUSE PAD?
I don't even have a mouse pad.

41. WHAT DID YOU WATCH ON TV LAST NIGHT?
News. I think. Or teleserye. Can't remember. I barely watch TV lately.

42. FAVORITE SOUND(S).
Sounds of explosion. Kidding. Music.

43. ROLLING STONES OR BEATLES
Beatles. I know more Beatles songs than Rolling Stones.

44. WHAT IS THE FURTHEST YOU HAVE BEEN FROM HOME?
New Mexico.

45. DO YOU HAVE A SPECIAL TALENT?
I can raise both eye brows separately.

46. WHERE WERE YOU BORN?
UST Hospital.

47. FAVORITE PIECE OF JEWELRY?
Ring and necklace.

48. HOW DID YOU MEET YOUR SPOUSE/SIGNIFICANT OTHER?
I don't know yet. I'm still wondering who it is.

Saturday, 15 August 2009

Bakit hindi ako makapag-edit ng blog?! As in 'yung pagpalit lang ng font, font size, at bold. Pati smileys, hindi tinatanggap. JavaScript/CSS not allowed daw. E pota. Program kaya nila 'yun. Tanga lang ba ako? Or ass talaga ang multiply? I-enlighten nyo ko, please lang.

"Forever is not enough"

This is the story my eventful Thursday (August 13, 2009). Infairness, hindi lang ako ang na-stess nang bongga nung araw na ito. Marami kami. Haha.

Anyway, background info. Ang sked ko kapag TTh ay 7-5.30. Pero, hindi pa talaga nangyari na na-haggard ako nang bonggang bongga dahil late nagsisimula ang 34.1 (7-10) at tsaka wala pang experiment. Tapos minsan pa nga free day sa 153.1 (1-4).

Nung Tuesday, nagexperiment na sa 34.1 (Carbohydates), pero chicken lang. Tapos free day sa 153.1 dahil katatapos lang ng [undoable] exam ng Monday. So, 'di ko pa rin nararamdaman ang haggards mode.

But no. Nung Thursday...Bawing bawi.

Kwento:
7:30am ang experiment. Pero 7.30am ay nasa bahay pa ako. So late ako. 8am ako dumating. Infairness, ambilis ng byahe. Partida, nagpaprint pa ako ng pre-lab sa Philcoa.

Pagdating ko, nagsisimula na. Dun daw kami sa reflux setup. Dahil may shortage ng rubber tubing, nagvolunteer kami ni Carlos na bumili kay Mang Mon. Sa hinaba-haba ng nilakad namin, nag-melt na raw ang mga rubber tubing ni Mang Mon. Anak ng *bleep*. At wala ring pakalat-kalat na rubber tubing sa tambayan. So bumalik na kami ni Carlos. Pero para naman hindi masayang ang effort namin, bumili na lang kami ng food.

Pag-akyat namin, sakto. Nakita namin si Rainier, nag-open ng isang locker...at may nahugot siyang mahabang rubber tubing. PUSSYCAT!!!! E kung naghanap pala kaya muna sya. Hahaha. Pero 'di bale, at least nakapag-breakfast naman ako kahit pa on-the-go. Nakakatuwa nga yung inumin e. Pareho ng percentage ang juice at nata de coco. Haha. Ang sarap. Tig-25% sila, ayon dun sa Nutrition Facts. Nakalimutan ko 'yung brand.

Tapos, inaasikaso na namin ang reflux setup. Habang abala si Jared, at nagbabantay si Isay malapit sa hot plate, nagkkwentuhan kami nina Carlos sa pinto. Nang biglang....PSSSS!! Sumabog ang reflux setup. HAHAHAHAHA. Parang rocket launch! So cool. Pero 'yung moment na 'yun, nag-panic pa muna kami. At nagtakbuhan kaming lahat habang sumisigaw nang: "Ahhhhhhhh!!! Ma'am! Ma'am!". At walang may gusto magpatay ng hot plate. Haha.

Infairness, nabuo pa rin ang sabon. ('yun yung tina-try namin i-synthesize). Kamote. E pa-reflux reflux pa sila for at least 30 minutes. Pasasabugin lang pala 'yung setup e. Instant synthesis. Hahaha.

Tapos gumagawa na kami ng sabon the other way. Grapefruit flavor, carwash scent. Haha. So cool. Bumubula naman siya. At ang cool ng "hard-to-reach-area-specific" na sabon. Hahaha. Inside joke. Napag-alaman rin namin na pag nilagay mo sa metal mold ang mixture, hindi sya mabubuo. Maghihiwalay ang oil at lye para mag-react sa metal ang lye. Resulta? Luminis yung metal mold! Nakagawa kami ng instant metal detergent. Hahaha.

Nasagad namin ang oras. Past 10am na kami nakaawas. Naglunch from 10-11.30. Tapos Archaeo2. Holy Smokes. 85% lang ako. At sagad rin sa oras ang lecture ni Sir. So na-late ako sa 153.1. Pagdating ko dun, 5 minutes left na lang dun sa bonus problem para sa [undoable] exam. E di nagpretend pa rin ako...pero...wala pala akong sci cal. Potek. So goodbye 10 points. Ni-rewrite ko lang ang tanong dun sa yellow pad ko. Sayang ang papel.

At nagsimula na ang madugong experiment. LVE at MT ang experiments, so hinati ang class sa dalawa. Yung MT, may phenol involved, so bawal sila lumapit. SOBRANG haba ng procedure! Napaka-raming dapat i-thouroughly dry. Bestfriends na kami ng dryer. Bwiset. 3pm na, hindi pa kami tapos mag-set up. Tapos semi-basag pa yung condenser namin. To the rescue na nga sina Sir Thomas at Sir Shem dahil sa super abysmal behavior ng dalawang experiment.

May class ako ng 4pm-5.30. So nagpaalam na akong umalis. Sabi ko, babalik na lang ako after ng class. Tapos, ayaw nilang tanggapin sa sarili nila ang possibility na after 1 and a half hours ay nandun pa sila. Haha. But no..Andun pa nga sila after ng Math55 ko.Haha.

Naawa naman ako sa min. Haha. Yung MT group, 15 minutes lang ang extension. Nung nalaman ko ito, 30 minutes na ang extension namin and counting. Ang nasabi na lang ni Ma'am: "Forever's not enough."

Haha. Mga 7pm na kami natapos. Nagpakain si Ma'am ng maraming chips at nanlibre si Roy ng C2. Yehey. Salamat sa inyo!!

Haggard!

PS. All throughout this time, hindi tumigil si Daben sa kanyang Phoenix mode. Haha!
Nung hinahanap nga siya ng mga tao, hindi "Asan si Daben?" ang tanong e, kundi:
"NASAN 'YUNG PHOENIX?"




Adik.

 

Monday, 10 August 2009

Shit happens = Chem happens

WARNING: This blog entry is highly biased!

Well. Relatively good mood naman ako ngayon.

Bakit? Dahil sa bowling. I have proven that bowling is a pure game of chance just as poker is. Hahaha. Mahabang kwento. Pero hindi 'law' yung sinabi ko. So sa mga professional bowlers, no offense meant. It's just a stupid consolation for myself.

Anyway, I got my first strike for my PE2 class dahil nabitawan ko ang bola stupidly. Haha. Imagine that. Then I spared next. And then, I got eggs for my last three frames. Haha. Bano lang talaga ako.

AT! Wala lang. <insert nonstop ramblings about my crush here>

At, in between my turns, I was cramming 153.1 review. I find it ironic to review the reports I made. (My group made, actually ) Hanggang sa jeep todo cram. Haha. Late pa nga ako nakapagstart ng exam.

Tapos 'yun. Ang exam. Sobrang. *inhale* Grabe *sigh*. Kulang...

...kulang sa oras.
..kulang ang isang bluebook.
..kulang ang space sa table para sa scical,scratch bluebook,correction pen,questionnaire,another bluebook,etc.
..kulang na lang duguin ako.

Ni hindi ko na nga nakuhang magmura nung exam dahil sa sobrang haba at kulang sa time. (I also accept the possibility na baka sa pananaw ko lang naman ito.) Naman kasi. Bakit two hours lang?! I'm not saying that had it been 7 hours, I would have aced the exam. Maybe, if it had been 7 hours, I would have just bled to death. Haha. Pero kahit man lang sana 3 or 4 hours...baka sakaling may mas magandang pinatunguhan ang buhay ng mga punong nasayang para mag-produce ng bluebook.

Wala akong nasagot completely sa Real Gas problem solving. And to think, yun ang report namin. Hindi kasi ako marunong ng power series. Wala pa kami dun sa Math55.

'Yung iba naman, carry sana kung alam ko lang ang formula. Siguro naman mag-a-agree ang mga may alam, na SOBRANG DAMI lang naman ng formula na dapat kabisaduhin for the six experiments. Including theories, reagents, reactions, methodology, graphs, calculation, derivation.

Nung Sabado naman, 34.1. Mas marami akong nasagot na maayos sa 34.1 kaysa 153.1. Ang tanong: May maipapasa kaya ako. Haha. I do accept the fact that I should have studied more. Mea culpa, mea culpa..mea maxima culpa. Sinusubukan ko talagang maging GC. I need to convince myself more.

Natawa ako sa lollipop na binigay sa 'min nung 34.1 exam. Na-appreciate ko ang thought. But my bitchy self can't help but think: "Ano ito, pampalubag loob?! Ako na bibili ng isang dosenang pack ng lollipop, 'wag na lang ako mag-exam." Haha.

But that's life. Shit happens. Chemistry happens.

'Pag tinatanong ako, "Bakit mo gusto ng Chem?"

Ang sagot:

Sino may gusto ng Chem?! Ako?! Noooooooooooo!!! I don't like Chem. I hate Chem. I'd rather do anything than study Chem!!!


But here I am. On my third year, and I am still in Chem. Sometimes, it is tempting to think of shifting out and transferring to BA European Languages Major in French Minor in German (I really like this course).

What makes me stay?

The challenge.