| |
Ikaw. Oo. Ikaw. Naaalala mo pa ba 'yung panahong tayo'y magkakasama? Alala mo pa 'yung konsiyertong may nalalaglag na illustration board sa entablado? 'yung mime noong humanities week na may shower curtain at may nagshshower? 'yung pag-grocer sa Bulacan at pagtampisaw sa Paraiso? Kilala mo pa sina Motmot at Mirinda? At 'yung sobrang nakakatawang baboydamo na may buhok? At kuwagong mukhang pusa? Working at the carwash.. working at the carwash yeah.. hoohooohoo ? Pandesal? Beavers? Gray Team? What's the matter, honeybutter? Gretchen? May Day Eve? The Necklace? Splitwoman? MamDacs. SirSegs. MamTarunRegayaGicarayaRegayaTarun. SirMardan. MamHappy. SirPitagan. SirJavi. MamAprhodite. MamXavier. SirCip. MamOsit. MamEdulan. MamAnda. MamMel. MamBeltran. SirMARTIN?..? Rapapampam. Pom. Pom. Pom. Pom..? Naaalala mo pa? Oo. Siyempre alala mo pa 'yan. At marami ka pang madadagdag. Miss mo na? Namimiss mo na ba ang Rosal? Ako hindi pa naman. Pero si Joy, oo. Kaya magreunion daw tayo. Kailan kayo pwede? REPLY KAYO AH. Hahampasin kita kung hindi. :)) Nagbibiro lang ako. Pero magreply ka utang na loob. Ang haba ng tinype ko! TORRES, Andrew F 2007-46521 BS Biology University of the Philippines - Diliman http://tsapsuy07.multiply.com/ http://pinoytsapsuy.blogspot.com/ |
Knowing how the road will turn doesn't necessarily mean you can't enjoy the ride.
Monday, 13 April 2009
Panawagan sa Rosal 07.
Wednesday, 14 January 2009
Kilala mo ba si Edgar Tafaleng? Kung oo, basahin mo ito.
Wednesday, 7 January 2009
30 cheverloo...
| Galing kay Ate Anne.Puro sagot lang ito. Hulaan ang mga tanong. Haha. Joke, pwede nyo akong tanungin. 1. Geleen Javellana 2. Kaharian (Lester Garica, Jecay Morado, KJ Ceñidoza, Christmas Astronomo, Mari Miyahara, andami....basta kilala nyo na kayo.) 3. Alice Cullen 4. Lara Sotto at Celine Santiago. 5. Geleen Javellana. 6. Reece Hugo. 7. Jessica Morado 8. Monica Fajardo at Laraine Bautista 9. Lester Garcia, Jecay Morado, KJ Ceñidoza at ang buong kaharian 10. Ryan Magtibay 11. Geleen Javellana 12. Ako. Hahaha. Sige na nga. Elise Pagatpat 13. Ako rin. Hmm. Egg Aherrera 14. Christmas Astronomo 15. Reece Hugo.Hahahaha. 16. Jecay Morado. 17. Edgar Tafaleng.Hahahaha.hindi pala -like, -ish lang. 18. CHARLENE GARCIA MENDOZA. 19. Saris Ceñidoza. 20. Mithi Sevilla. 21. Lester Garcia 22. Ako.Haha.Faye Carvajal at Nikki Cerezo 23. Bill Gates.Joke. Hmm. Emerlinda Roman.Bwahahaha. 24. I am so lovable, this is impossible. Hmm. Si PGMA? or si Emerlinda Roman na lang din. 25. KJ Ceñidoza 26. Ryan Magtibay. 27. Ako.Hmmm...Revee Rapallo. 28. Mari Miyahara.Di na kailangan ng costume. 29. Jasper Cullen.Ryan Magtibay. 30. Hmmm.Maliban kay Roman at GMA, mahal ko kayong lahat kaya kayo andyan.Dahil kayo ang unang pumapasok sa isip ko 'pag nababasa ko ang mga mahiwagang tanong. hahahaha. No offense meant. |
Wednesday, 19 November 2008
Nasa iyo ba ang flash disk ko?
DESCRIPTION:
Brand: Apacer
Color: Blue
Mahaba 'yun than the normal flash disks
CONTENTS: A lot (ie. Chem 28.1 files, PACS files, etc). 512MB ata 'yun.
100% sure ako na may nanghiram nun nung patapos na ang 2nd sem. Malamang kaibigan ko ang nanghiram para pumayag ako.
HINDI KO LANG MAALALA KUNG SINO.
And it's starting to get to my nerves.
Sana nag-iisip na kailangan ko rin 'yun diba.
Kung ikaw man ang magsasauli nun, mag-sorry ka with all sincerity.
I-BROADCAST NINYO ITO.
Dahil ma-fe-friendship over 'yung tao na 'yun 'pag umabot ang December at wala pa sa akin ang flash disk ko.
Tuesday, 11 November 2008
for my half-sister
I know that this is super late.I'm so sorry.
HAPPY 18TH BIRTHDAY!!
Kahit wala kami dyan sa Germany para baklain ang debut mo, I sincerely wish you had the SEXIEST birthday ever! You know that we all love you and miss you bigtime! We hope to see you soon! Mwahugs!
Saturday, 25 October 2008
21 selected reasons why BOB ONG should be the president of the Philippines
(ripped it off from Neil Miranda who ripped it off from someone else.)
1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."
2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."
7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."
11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."
12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."
13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority." (Kung may gustong sabihin ang CRS, ito na 'yun)
14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."
15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”
17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”
18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
19. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."
20. "Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
21. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."
Naaamaze talaga ako sa kanya. I highlighted the ones I like the most...'yung mga pilit kong isinasaksak sa kokote ko.