Thursday, 26 June 2008

Emotions running high,yet very stable.

Kahapon ay isang masayang araw. Nalaman kong pumasa ako sa isang joke na exam. Si Kuya, nasa ANC channel sa Square Off. He was, of course, representing UST. Actually, hindi ko napanood. Dahil wala kaming TV sa boarding house, so lalo nang wala kaming cable. But I really wanted to watch so badly. Dahil sa kung ilang taon nang debater ni Kuya, not once, have I seen him kick his opponents' asses. Minsan nga sa UP lang venue nila e. Hehe. Anyway, nanalo sila. Ang saya tuloy ng nanay namin. Hehehe. Kuya, congrats!! Pati sa UST, congrats din. Hehe. Hindi ko alam kung sino ang nakalaban nyo, sana naman hindi UP.Hehe.

Kahapon ng umaga, nung pasakay na ako ng Ikot jeep. May naisip lang ako:

Mabuhay nang masaya. Lasapin ang sarap ng buhay. Kung masyadong matamis, uminom ng tubig. Kung masyadong mapait o maasim, lagyan ng patis. Kung sobrang anghang, uminom ng gatas.

Diba?

******************************************

Dahil may chem28.1 notes si colleen, my ever-dearest-and-sexy lab partner, meron din ako:

<sa lab>
Sir Glen: O, wala lang akong mababalitaang natapon na sample ha. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
Razel: <petiks sa pag-handle ng lecheng crucible, nang...nahulog ang sinumpang crucible!!! pati ang laman na sample.Buti na lang hindi sa loob ng dessicator natapon. But still.>
Mike: Sir, natapon po 'yung sample nila Razel.
Razel: <Thanks, Mike.>
Mike: <hinawakan ang cover ng crucible> O, ok lang na hawakan mo na 'yan. Uulitin nyo rin naman e.
Razel: <OMG. It took us 2 meetings to prepare this shit. And why are you holding the darn cover?>
Sir Glen: <shows up> O, natapon ba lahat?
Razel: Hindi po, Sir. Marami pa pong natira.
Sir Glen: O sige, weigh nyo na lang uli tapos yan na yung gamitin ninyong weight of sample.
Razel: <horrified.Mike, may moisture na mula sa fingerprints mo yung cover ng crucible namin.>

Anyway,despite everything, I would like to extend my utmost appreciation to Mike Arteza. Napaka-thoughtful mong tao kahit pinagpipilitan mong temporary lang ang kagandahan ko. SALAMAT dahil...
-nilibre mo kami ng vial.
-pinunasan mo yung natapon kong sample sa gilid ng dessicator.
-matapos kong mag-acrobatic skills sa paglalagay ng crucible sa oven, hinintay mo kaming umuwi.
-pinapatawa mo ako 'pag 28.1.
-isa ka sa mga rason bakit ayaw kong mag-miss ng 28.1.
-after ng lahat ng chorvang ito,tatanggapin mo nang boundless ang kagandahan ko.

hehe.