Monday, 20 November 2006

Not the usual me.Very Cheesy.

BABALA! Kung hindi mo alam ang ibig sabihin ng slang na "cheesy", hindi tayo magkakaintindihan. kaya ipagtanong mo muna. wag sa kin, dahil hindi ko rin masabi yung exact definition. [Hint: hindi yun bastos tulad ng horny. at wag ka ring pilosopo, dahil hindi rin nun ibig sabihin ang maraming pasteurized cheese]


isa na yata ito sa mga pinaka-cheesy na blog entry na makikita nio sa site na ito.


ewan ko ba.wala kasi ako makausap, tapos ambigat ng kalooban ko.


sabi ko sa sarili ko, ang blog ko today ay tungkol sa pagcocommute at gobyerno.kaso, sabi ng konsensya ko, gumawa ako ng requirements. na maigi ko naman sinundan, when i suddenly came across something. [bakit ba kasi ang usisera ko.] Kaya ngayon, kesa gumagawa ako ng requirements, nagbblog ako.siya kasi.


mahirap ipaliwanag.


sabi ko sa sarili ko, wala na.WALA NA.pero bakit parang nasasaktan ako.[takte.cheesy. pasensya na, i may be a kikay type, but i'm really not into public discussion of lovers' love. para sa kin, 'pag sa 'kin nanggaling, cheesy un. ang kilig moments ay ibinabahagi ko lang sa mga taong malapit sa kin.]


Alam nio bang masaya ang walang attachments at walang prospect? oo. makes your life more enjoyable. kaso, biglang naglaro ang tadhana. [cheesy line]. disclaimer: hindi ako in love. yun na yun e, hindi pa nga totoo nagkakaganito na ko. grrrrr.


E bakit nga ba ako nagkakaganito? Kasi makasarili ako, kahit na alam ko namang kahit kailan, he'll never look my way. [CHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEsy to the highest level]


Pinahihirapan mo ko, alam mo ba.Siyempre hindi mo alam dahil manhid ka. O, hindi ba? Baka naman tanga lang ako. [mas probable ata ito kahit wala naman koneksyon ang katangahan ko sa numbness mo.]


speaking of numb, intermission lang sandali. STR reporting kanina, sabi ni Sir Taf kay Cindy, "Kanina pa kaya ako andito, numb ka ba?"
Cindy [defensive]: "Sino numb? Ako?!"
Cindy [pabulong sa kin]: "Numb? Di ba tanga yun?"
Ako [thinks]: "Bwahahahahahahahahahahaha! HahaHahaHahaHahaHahaHahaHahaHaha!"
I love you, Cindy. Ang husay mo sa reporting kanina, pati ikaw Mariel. Ang sarap sabihing ako rin. [Hindi ako fishing]


Ok, back to the cheesy topic. Dapat ko bang hilingin na sana makalimutan na lang kita? Buti nga kung ganun lang yun kadali. Kaso hindi. HINDI! Bakit? Hindi ko rin alam, maybe because I've become so fond of you that it won't be complete without you. [c-h-e-e-s-y!] Take note, i said "it" not "I". OA naman kung sabihin kong hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Excuse me, hindi ka oxygen. [corny.]


Wala nang pinapatunguhan ang lahat.Dahil sa'yo.


Dahil sa'yo...
            ...hindi ako makapag-practice ng elocution.
            ...hindi ako makagawa ng Physics homeworks.
            ...hindi ako makapagsulat ng article.
            ...hindi pa ako natutulog.
            ...nagsasayang ako ng oras kasusulat ng walang kwentang entry.
            ...napaka-cheesy ko ngayon.


At hindi ko na hahabaan pa ang cheesy moments ko.i don't want to leave so much for a trace of shame.Hanggang dito na lang.


At sana, pati ang nararamdaman ko ay hanggang dito na lang. Kung pwede lang sana.


Hindi ka nakakatulong.


Mabuti pa si Jason [Gaguan], laging nandiyan para payuhan akong, "Love sucks".
Jason, malapit mo na kong mapaniwalang LOVE SUCKS.


Ilang beses ko nabanggit ang cheesy sa entry na ito [not including the one in this line]: 9 


tama ba? Reply ka na lang kung namali ako ng bilang.